menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Sahod

Lirahhuatong
saebutlerhuatong
Şarkı Sözleri
Kayıtlar
Kay tagal kong hinahanap, lagi lang nakaabang

Lasa ng aking pangarap, patabang nang patabang

Piso-piso kong kinalap, ba't nagkautang-utang?

Sa pag-asa kong mayakap, basta't sagutin mo lang

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba?

Dumating nang bayarin ng kuryente, tubig at bahay

Oh, tiis-tiis na muna tayo sa lumang tinapay

Sira na ang relo pero nandiyan naman si tatay

Hoy, bumangon ka na diyan at 'wag kang magpapatay-patay

Tanghali na, puro ka "'Di bale na"

Kailan ka magbabayad, pangako mo, nabali na

Parang boss mo sa trabaho, palaging nagagalit

Bakit para bang siya ay may ugali na

'Di medyo maganda, parang hindi mabango

Wala kang magawa, kailangan mo'ng trabaho mo

Kahit napakalansa ng hasang, sisinghutin mo ng mahaba

Umabot lang ang pisi sa taling ito, taling ito

Kasi pinagkakasya ko na lamang ang baon ko

'Pag nahulugan ng piso, kulang na'ng pamasahe ko

Gano'n talaga ang buhay, anong masasabi ko?

Teka magkano na ba ang nabali ko?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba?

Pagpatak ng a-15 o a-30, eto na

Para bang kayang bilhin na lahat ng tinitinda

Ba't 'di mo iniinda ang salaping iniitsa?

Winawasiwas na sulo dito sa gubat ng mitsa

Animo'y 'di mauubos kahit na alam mong kulang

Oh, kay hirap kumilos kung lumulutang ka sa utang

Paulit-ulit na lang, mahirap makalimutan

Mabuti nang mabuti kung mayro'n kang mayamang magulang

Pahingi, kasama na ang pang-inom at gimik

Tabingi, mga matang sa gutom ay tumirik

Madali, lang naman solusiyon at pamihit susi

Sa lahat ng mga makitid mo na palugit

Sa tuwing pinagkakasya mo na lamang ang baon mo

'Pag nahulugan ng piso, kulang na'ng pamasahe mo

Gano'n talaga ang buhay, anong masasabi ko?

Teka magkano na ba ang nabali ko?

Kay tagal kong hinahanap, lagi lang nakaabang

Lasa ng aking pangarap, patabang nang patabang

Piso-piso kong kinalap, ba't nagkautang-utang?

Sa pag-asa kong mayakap, basta't sagutin mo lang

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba, na ba, na ba?

May sahod na ba?

Lirah'dan Daha Fazlası

Tümünü Görlogo

Beğenebilirsin