Pinipili kita
Makasama sa pagtanda
Araw-araw walang iba
Sa piling mo payapa na
Pinipili kita
Malagas man ang huling hibla
At kung ang alaala’y mabubura
Panata kong hanapin ka
Pinipili kita
Na walang pangangamba
Aking ipadarama
Hanggang sa’king huling paghinga
Pinipili kita
Ako ay nanunumpa
At kung pagpapalarin
Ako ay pinipili mo rin