Wag nyong kantiin kasi nga ako ay
Wag nyong kantiin kasi nga ako ay
Kasi nga ako ay galing pa sa ilalim at hinanap ang kapalaran
Iba ang aking dinaanan bugbog dahil di kapatagan
Kaya bawat maling galaw mo sa kin dapat mong pagbayaran
Aking pwesto ay pinaglaban kaya di ko papabayaan
Kaya subukan mo kong maliin siguradong tatamaan ka
Di mo na pwede na maliitin sa king laki tatapakan ka
Pilit na ko nagbabago ang kaso mukhang may mga di nagtatanda
Bata pa lang pumapalag na kaya tumanda
Dati may ugaling masama wag antayin na ibalik
Sa loob ang kulo tatanggalin na ang takip
Lagay ko di maganda pag masama na ang tingin
Kaya di nyo to dapat na kantiin
Kasi nga ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok ako ay diablo
Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok ako ay diablo
Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Kala mo mabait parang hindi nangangagat
Nakatahimik na lang sa gilid at palihim na lang na papalag
Sanay sa init at sa lapag tinatawanan ko lang lahat
Pano mo ko dedemonyohin eh ako yon kayat hindi na yan tatalab
Dami dyang mga bulong-bulungan
Walang alam pero runong-runungan
Lumayo kayo dugo ko ay kumukulo lang
Tunay na nakakatakot na yumuyuko lang
Masama nila ko na tinititigan
Inaapakan ngumingiti lang
Wag mo na kong susubukan
Kasi minsan di ko na napipigilan
Pagka lumabas ang mga sungay
Lalo pa ko nagiging mahusay
Nasanay na sa madilim ang kulay
Yung mga naranasan ko na yung nagpatunay
Mabait na tao masamang kaaway
Nasanay na ko na walang karamay
Impyerno ba to ginawa kong bahay
Ako yung diablo na gusto mong katagay
Dati may ugaling masama wag antayin na ibalik
Sa loob ang kulo tatanggalin na ang takip
Lagay ko di maganda pag masama na ang tingin
Kaya di nyo to dapat na kantiin
Kasi nga ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok ako ay diablo
Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok ako ay diablo
Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Mga kamay ko magkadikit
Mga mata ko nakapikit
Nagdadasal habang nanginginig
Nagtatanong kung nadidinig mo ba ko Panginoon
Baka pwede na manalo ko sakaling mabigo at matatalo
Sige lang basta wag mo ko hahayaang lumabas tunay na pagkatao
Sabi sa kin bata pano mo nagagawang baguhin yong sarili mo
Eh halos patayin ka na ng mga kasabayan mo
Ako eto naglalakad habang nakayuko
Malamang madami ang nagtatanong pano ka nakatawid
Samantalang mas madami yung dapat makarating
Hinayaan ang madla para mag-isip
Nanatili na sarado lang ang bibig
Nanatili na kalmado sa tag-init
Lagi nakapikit kahit na bumalik
Nanatiling batukan kahit masakit
Di mo gugustuhin na ako ay aningin
Merong sa demonyo si Drizzy
Takbo at wag ka nang titigil
Di mapipigil gigil mga ngipin
Wag nyong kantiin kasi nga ako ay
Wag nyong kantiin kasi nga ako ay
Wag subukan baliwin baliwin
Wag subukang aningin magdidilim yung paningin
Wag na wag kang titingin sa salamin
May halimaw sa likod may hawak na patalim
Diablo
Ulo may dalawang patusok ako ay diablo
Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Ako ay diablo
Ulo may dalawang patusok ako ay diablo
Pag nakita mo ay lumuhod
Ako ay diablo tahimik lang na nanonood
Ako ay diablo sa likod mo ay nakasunod
Ako ay