Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema ay hindi ako pumapayag
Ang sarili ko'y patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kase Kase Kase
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema ay hindi ako pumapayag
Ang sarili ko'y patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
At ngayon ako'y nandito na
Makinig ka sa kwento ko na mala pelikula
Puro pighati ang pinadama noong simula
Halos walang makinig sa aking mga tinula
Pupunta kang inspirado at uuwi kang buta
Oo kase laging abunado
Ka sayong pamasahe at pang quota pag dumayo
Pumapalag kahit na alanganin at dehado
Meron kang kasama kapag ka panalo
At mag isa ka lang kapag ka natalo
Ang laman ng isip kapag mag-isa ko
Bakit kaya ganon nila itrato
Kapag umaawit ang silid ay blanko
Mapalad na kung meron dalawang tao
Gustong unawain ang mga likha mo
Na pinaghirapan mong makabisado
Walang kinikita kahit kapiraso
Sa mga awitin kong tinatrabaho
Nagpaka halimaw
Kahit madalas pinapatayan ng ilaw
Tanaw ng mata ko'y malinaw
Na balang araw ako ay masisilaw
Sa kakayanang porke hindi gumawa ng ingay
Hindi na binigyang pansin
Nalimutan nila na ang tunay na ginto
Ay hindi kumakalansing
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema ay hindi ako pumapayag
Ang sarili ko'y patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kase Kase Kase
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema ay hindi ako pumapayag
Ang sarili ko'y patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kaya ginagawa ko ang lahat
Para makawala't makaangat
Ang mga paa ko sa lusak at burak
Ay ulap naman sana ang masalat
Lalamunan kong babad na sa salabat
Ang puhunan ko para makapag lapag ng ambag
Sa hapag ng mga balagbag
Matatabunan ka kung hindi ka pupukol ng sagad
Maubos man sa rap
Mga oras na inutang papel at lapis
Ang laging kakibuan
Naging parokyano man ng kabiguan
Ang mahalaga hindi ko sinukuan
Di ko tinulugan
Kahit na di nila ko tinulungan
Walang binayaran walang sinuhulan
Walang pinalagpas
Lahat sinubukan
Lahat binuhusan
ko ng bawat sandali at panahon
Hanggang ako'y makawala lang sa pagiging balagong
Kahit pa na ang mga hakbang ko'y parang gapagong
Bayong kuneho naman kapag nilatagan na ng pagkakataon
Ngayon ako ay tatalon na sa sunod na baitang
Isa sa mga tatagos mula sa ating angkan
Ako si RAM representante ng ilalim
Buhay na patunay na magagaling
Ay nanggagaling sa baba
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema ay hindi ako pumapayag
Ang sarili ko'y patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
Kase Kase Kase
Gusto nila ko na manatili sa ilalim
Ang problema ay hindi ako pumapayag
Ang sarili ko'y patuloy kong hinanap
At tinupad ang mga plano ko at binabalak
At ngayon akoy nandito na!