menu-iconlogo
logo

Anak Ng Pasig

logo
Şarkı Sözleri
Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig

Nagisnan ang ilog na itim ang tubig

Lumaking paligid ng bundok na umuusok

Langhap na langhap ang

amoy ng basurang bulok

Ito ang buhay ng anak ng Pasig

Pa swimming swimming sa itim na tubig

Playground lang ang bundok ng basura mo

Musika'y ugong ng kotse at bangka n'yo

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko

Akala ko'y ganoon talaga ang mundo

Hanggang nakakita ako ng lumang litrato

Di maniwalang Pasig

din ang tinitignan ko

Kaibigan ano ang nangyari dito

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

Di n'yo alam ang tinatapon n'yo

Ay bukas ko at ng buong mundo

Huli na ba ang lahat

Patay na ba ang ilog at dagat

Kapag Pasig ay pinabayaan

Parang bukas ang tinalikuran

Anak ng Pasig naman kayo

Kalat doon, kalat dito

Natakpan na ang langit kong ito

Nilason din ang Ilog ko

Anak ng Pasig naman kayo

Tapon doon, tapon dito

Di n'yo alam ang tinatapon n'yo

Ay bukas ko at ng buong mundo

Anak ng Pasig naman kayo

May bukas pa ang ating mundo.