Ang sabi ng nanay kamukha raw kita
Meron daw ugaling ikaw na ikaw
Ni sa king panaginip di ka man lang nasilip
Wala na yatang pagasang makikilala ka pa
Ang sabi ng lola'y kalimutan ka na
Wala raw mabuting dinulot kay inay
Mula nung lumisan di ka man lang nagiwan
Kahit konting pagasang makikita ka pa
Nahan ka Nahan ka
Aking ama nahan ka
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Nahan ka Nahan ka
Ang payo sa'kin ng isang kaibigan
Ituring ka ng naglahong tuluyan
Ngunit heto pa rin at laging dumadalangin
Isang araw ay gugulatin
Ng iyong pagbalik
Nahan ka Nahan ka
Aking ama nahan ka
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Nahan ka Nahan ka
Nahan Ka
Nahan ka Nahan ka
Aking ama nahan ka
Ako ba ang dahilan at nanay ko ay iniwan
Nahan ka Nahan ka
Nahan nahan nahan ka
Nahan ka
Tay nasan ka na ba