Ngayo'y aking inuunawang pilit
Mga pagkukulang kong iyong ginigiit
Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang
Ang aking iniintindi
Nakatanim pa sa'king ala-ala
Pangako mong mananatili ka
Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito
Na ngayo'y bitin na bitin
Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa
Nasa aking guniguni malamig mong tinig
Kasabay ng hanging na dumarampi
Na para bang ika'y nariyan sa aking paligid
Tahimik na nagmamasid
Di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa
Nahulog na'ng mga ulap
Buwan at araw mga bituwin
Ang ginugol na panaho'y na saan
Di ba't sayang naman
Giliw yeah
Ngunit di mo na mababawi iniwang sakit
Sa mga salitang binitiwan mo
Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya nagtakda
At siyang unang umiwas
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa
Bakit nga ba ako 'yong pinaasa