Sa buhay ko'y labis
Ang hirap at pasakit
Ng pusong umiibig
Mandi'y wala ng langit
At ng lumigaya
Hinango mo sa dusa
Tanging ikaw sinta
Ang aking pag-asa
Dahil sayo nais kong mabuhay
Dahil sayo hanggang mamatay
Dapat mong tantuin
Wala nang iba giliw
Puso ko'y tanungin
Ikaw at ikaw rin
At Dahil sayo ako ay lumigaya
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako
Ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y
Dahil sayo
Dahil sayo ako ay lumigaya
Pagmamahal ay alayan ka
Kung tunay man ako
Ay alipinin mo
Ang lahat sa buhay ko'y
Dahil sayo