menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Huling Uyayi Ko, Sinta

Ian Quiruzhuatong
solitary_refinementhuatong
بول
ریکارڈنگز
Alam mo bang sinusuklayan ka 'pag hindi ako makatulog

Minamasdan ang 'yong mukha, kahit himbing, anong ganda

Wala namang nagbabago, ikaw pa rin ang mahal ko

Hindi naman itinatago pa ang totoo

Alam mo bang tanda ko pa no'ng una tayo na magkita?

Naaapuhap sa 'yong mata, larawan nating magkasama

Kahit 'di mo sabihin, kahit 'di ko aminin

Alam ko na alam mo rin na tayo ang huli

At kahit masungit man ang panahon

Kahit pigilin ng pagkakataon

Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan

Nandito ka, nag-iisa

Alam mo bang 'di imposible kung susukatin ang pagitan

Kung maaaring matulog na lang at magkasama habang-buhay

Wala pa ring binabago, matibay ang ating pangako

Bangungot ang hindi na masilayan kang muli

At kahit masungit man ang panahon

Kahit pigilin ng pagkakataon

Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan

Nandito ka, nag-iisa

Sinta, ikaw lang ang inibig kong gan'to

Sa buong buhay ko'y nais na kasama ka

Kaya naman nangungulila dahil ikaw ay nakatulog

Habang ako ay nagkukuwento, pa'no mo 'ko napusuan?

Lungkot ang nadarama

Sana ay kapiling pa kita

Sinta, pumuti man ang mahaba mong buhok

Kumulubot man ang balat at manghina na ang tuhod

'Di ako magbabago, 'yan ang pangako sa iyo

Habang ako ay nandirito, 'di aalis sa tabi mo

Malabo na'ng aking mata

Malapit na't magkakasama na

Sa muli mong paggising, tayo'y muling magkapiling

Walang hanggang masasabik sa init ng halik

At kahit masungit man ang panahon

Kahit pigilin ng pagkakataon

Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan

Nandito ka, nag-iisa

At kahit masungit man ang panahon

Kahit pigilin ng pagkakataon

Ay hindi naman magtatanong kung bakit ka nandiyan

At kahit sa huling pag-awit ko'y malaman mo

Nandito ka, nag-iisa

Ian Quiruz کے مزید گانے

تمام دیکھیںlogo

یہ بھی پسند آسکتا ہے