Pansin mo ba ang pagbabago
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila di na nananabik
Sa'yong yakap at halik
Sana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay, maging malaya
Di lang ikaw...
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin, ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko...
Ay kailangan kang iwan..
Pansin mo ba at nararamdaman
Di na tayo magka intindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik
Maaring tama ka, lumalamig ang pagsinta
Sana'y malaman mong di ko sinasadya
Di lang ikaw...
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin, ay naguguluhan
Di lang ikaw....
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko...
Ay kailangan kang iwan...
Di hahayaang habang buhay kang saktan
Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging masaya
Sa yakap at sa piling na ng iba...
Di lang ikaw...
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin, ay naguguluhan
Di lang ikaw...
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, wag kang pakawalan
Ngunit puso ko...
Ay kailangan kang iwan...