menu-iconlogo
huatong
huatong
بول
ریکارڈنگز
Elementary pa lang, napapansin na nila

Mga gawi kong parang hindi pambabae kasi

Imbes na chinese garter,

laruan ko ay teks at jolens

Tapos ka jamming ko lagi noon

Mga sigang lalaki sa amin

Nung ako'y mag high school ay

Napabarkada sa mga

bi curious na babae na

Ang hanap din ay babae

Sa halip na makeup kit,

bitbit ko ay gitara

Tapos pormahan ko lagi

ay long sleeves na

T shirt at faded na lonta

Pero noong nakilala kita

Nagbagong bigla ang aking timpla

Natuto ako na magparebond at

Mag ahit ng kilay at least once a month

Hindi ko alam kung anong meron ka na

Sa akin ay nagpalambot nang bigla

Sinong mag aakalang lalake pala

Ang bibihag sa tulad kong tigreng gala

Kahit ako'y titibo tibo

Puso ko ay titibok tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang,

at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw araw mong pag ibig

Sa 'king buhay nagpapasarap

Nung tayo'y nag college ay

Saka ko lamang binigay ang matamis na oo

Sampung buwan mong trinabaho

Sa halip na tsokolate at

tipikal na mga diskarte

Nabihag mo ko sa mga tula

at sa mga kanta mong pabebe

Kaya nga noong makilala kita

Alam ko na agad na mayroong himala

Natuto akong magtakong at napadalas

Ang pagsuot ng bestidang pula

Pero 'di mo naman inasam na ako ay

Magbagong tuluyan para patunayang

Walang matigas na tinapay

sa mainit na kape

Ng iyong pagmamahal

Kahit ako'y titibo tibo

Puso ko ay titibok tibok pa rin sa'yo

Isang halik mo lamang,

at ako ay tinatablan

At ang aking pagkababae ay nabubuhayan

Na para bang bulaklak na namumukadkad

Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang

Sikat ng araw araw mong pag ibig

Sa 'king buhay nagpapasarap

Moira Dela Torre کے مزید گانے

تمام دیکھیںlogo

یہ بھی پسند آسکتا ہے