Sa aking pag- iisa
'Di maiwasang maalala ka
Tamis ng iyong halik
Paulit- ulit na nagbabalik
At nasasabik 'pag iniisip ka
'Pag nag- iisa
Sa aking pag- iisa
Ang yakap mo ay hanap- hanap pa
Haplos ng iyong kamay
Ay pilit ko pa ring ginagaya
Habang hawak ko ang
Larawan mo at nag- iisa
Kung magkikita tayong muli
Hindi ko na ikukubli
Na nais madama muli
Ang iyong pag- ibig
Kahit sandali
Ibigin mo ako ngayon
At bukas ay iwanan mo ako
Ng bagong ala- ala sa
Aking pag- iisa
Sa aking pag- iisa
Ang yakap mo ay hanap- hanap pa
Haplos ng iyong kamay
Ay pilit ko pa ring ginagaya
Habang hawak ko ang
Larawan mo at nag- iisa
Kung magkikita tayong muli
Hindi ko na ikukubli
Na nais madama muli
Ang iyong pag- ibig
Kahit sandali
Ibigin mo ako ngayon
At bukas ay iwanan mo ako
Ng bagong ala- ala
Sa aking pag- iisa
Ng bagong ala- ala
Sa 'king
Pag- iisa