Tubig at langis,
Ang katayuan nati’y
Yan ang kawangis
Pilitin mang magsama’y
May mahahapis
Ganyang ganyan
Tayong dalawa
Ang panuntuna’y
Magkaiba
Langis at tubig,
‘di mapagsama ng
Tunay mang pag ibig
Hinanakit ang s’yang
Laging mananaig
Mahal na mahal man kita,
May mahal ka namang iba
Tubig at langis
Idarang man sa init,
‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t
Paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis
Kung labis
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya
Sa ‘ting daigdig ?
May dasal ba akong
Hindi n’ya narinig ?
Papel natin sa pag ibig
Ako’y langis,
Ika’y tubig
Tubig at langis
Idarang man sa init,
‘di rin tatamis
Dahil ang halo’y luha’t
Paghihinagpis
Ang kirot ay di maalis
Kung labis
Bakit nanaig
Ang dusa sa ligaya
Sa ‘ting daigdig ?
May dasal ba akong
Hindi n’ya narinig ?
Papel natin sa pag ibig
Ako’y langis, ika’y tubig
Ako’y langis, ika’y tubig
Ako’y langis...
Ika’y tubig...