At tinangay ka na ng hangin
Papalayo sa akin
Wala ng iisipin
Kahibangan ko'y natapos din
Nasanay na'kong magulo ang mundo
Nasanay na'kong malayo sa'yo
Wala na kahit pa maganda
Mong alaalang nakakapit
Aalisin ko na rin ang
Larawan mong nakasabit
At tinangay na rin ng usok
Naglaho na at may tuldok
Di na makakapasok
Tapos na ako sa pagsubok
Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra'y may sukli
Dahil ang isang katulad
Mo'y liwanag na marikit
At ako ang gamu gamo na sa iyo'y napalapit
Akala ko'y langit bakit ang init
Lagi na lang nag aakala
Dahil sa pagtitiwala
Akala ko'y langit bakit ang init
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi
Alam ko nang may tama ang mali
Alam ko nang ang sobra’y may sukli
Dahil ang isang katulad
Mo’y liwanag na marikit
At ako ang gamu gamo
Na sa iyo’y napalapit
Akala ko’y langit
Bakit ang init
Lagi na lang nag aakala
Dahil sa pagtitiwala
Akala ko’y langit
Bakit ang init
Huli man daw ang pagsisisi
May umaga naman pagtapos ng gabi.
At tinangay ka na ng
Hangin papalayo sa akin..