Kuripot ang ninong ko sa aginaldong piso
Dagling sumakit ang kanyang ulo
Sa aginaldong piso napudpod ang nguso ko
Sampong beses akong pinagmano
Ay naku ninong ay nalugi pa ako
Sa pasahe sa pagpunta sa inyo
Ay naku ninong kung laging ganyan kayo
Ay dina uli ako mamamasko
Kuripot ang ninong ko
mayroon namang negosyo
At maraming kwarta pa sa bangko
May masagwa pang bisyo
na kung araw ng Pasko
Ang bahay ay palaging sarado
Aba itong ninong ko ay
bigla siyang nagbago
Siya’y naging galente’t bohemyo
At ang kanyang sikreto
nabisto ng ninang ko
Na siya pala ay mayroong number 2
Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo
Kay hirap hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay pasko number 1 mo’t number 2
Ay naghihintay na makapiling mo
Minalas ang ninong ko
nahuli ng ninang ko
Kumare pala niya ang number 2
Kaya’t pati kumpare
nagalit sa ninong ko
Pinukpok ang ulo ng ninong ko
Aba itong ninong ko ay
bigla siyang nagbago
Siya’y naging galente’t bohemyo
At ang kanyang sikreto
nabisto ng ninang ko
Na siya pala ay mayroong number 2
Ay naku ninong kay gulo ng buhay mo
Kay hirap hirap ng pinasukan mo
Ngayon ay pasko number 1 mo’t number 2
Ay naghihintay na makapiling mo
Minalas ang ninong ko
nahuli ng ninang ko
Kumare pala niya ang number 2
Kaya’t pati kumpare
nagalit sa ninong ko
Pinukpok ang ulo ng ninong ko
Ulo nagkabukol Paskong Pasko
At Nagpaskong bukol ang ninong ko
Hay ninong..iwas sa bukol kay ninang
salamat po sa pag awit nito.