menu-iconlogo
logo

Magsikap

logo
بول
Kanya-kanyang storya ng bawat nakaraan

Tinding pinagdaang ikaw lang may alam

Puro leksyon ang baon puso'y labis nasaktan

Pag-abante ang atake gang bigat ay gumaan

Nais ko lang e kwento ang buhay na nagdaan

Lugmok sa suliraning hindi ko matakbuhan

Luho ay pinunan, puro pa kahambugan

Di alintana ang epektong patungo sa kawalan

Hinamak mga payo para sa kabutihan

Nabuhay sa dilim at aking nasaksihan

Iba ang tunay na ligaya sa kasamaan

Kesa sayang ikaw na ay nasa tamang kinalalagyan

Lumipas mga araw walang matakbuhan

Lumuluhang nakatitig bulsa'y walang laman

Nakaupo lang sa gilid kumukulo ang tyan

Nakalutang ang isip gagawin ay di alam

Piliin magtyaga kahit pa madapa

Wag ka lang tumigil tyak may mapapala

Piliin magtyaga kahit pa madapa

Wag ka lang tumigil tyak may mapapala

Magsikap hanggang tagumpay ay makamtan

Dami mong pagsubok, Ginhawa ay mahahagkan

Dami ng hadlang, hindi mapipigilan

Mabagal man ang usad, mararating ang pupuntahan

Halos masira ang ulo saking pinapasan

Nilamon ng bawat bulong sa tenga, nawalan

Ng gana harapin ang aking kinabukasan

Buhay nais tapusin nang sakit di na maramdaman

Ganito pala ang buhay kapag napariwara

Lahat mawawala sayo, parang isinumpa

Dumaing ng himala, lumuhod at tumingala

Napagtanto sa isip sya parin ang kasangga

Ang buhay natin ay walang kasiguraduhan

Iba't ibang daanan isa lang pupuntahan

Hindi alam ang oras di mo mababantayan

Pagdating ng kamatayan, Diyos ang tanging may alam

Duda ay tinapon, takot ay hinamon

Sinikap umahon, hinarap ang mga alon

Pagsulong ang layon, kumayod maghapon

Panahon ay umayon sa aking pagbangon

Piliin magtyaga kahit pa madapa

Wag ka lang tumigil tyak may mapapala

Piliin magtyaga kahit pa madapa

Wag ka lang tumigil tyak may mapapala

Magsikap hanggang tagumpay ay makamtan

Dami mong pagsubok, Ginhawa ay mahahagkan

Dami ng hadlang, hindi mapipigilan

Mabagal man ang usad, mararating ang pupuntahan

Magsikap hanggang tagumpay ay makamtan

Dami mong pagsubok, Ginhawa ay mahahagkan

Dami ng hadlang, hindi mapipigilan

Mabagal man ang usad, mararating ang pupuntahan