menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Habang Buhay

Zack Tabudlohuatong
بول
ریکارڈنگز
Aking sinta, ano ba'ng mayro'n sa iyo?

'Pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo

'Pag ngumingiti ka, para bang may iba

'Pag tumitingin sa 'kin, mapupungay mong mga mata

Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha

Halika nga (ha, ha, ha)

Tingnan mo lang ang aking mga mata

'Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na, wala nang iba (ha, ha, ha)

Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda

Mamahalin kita basta't 'pag nahulog

Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw

Habang-buhay na ako'y iyo

Wala nang ibang nakagawa sa 'kin nang ganito

Kundi ikaw, nag-iisang diyosa ng buhay ko

'Wag ka nang matakot, 'wag kang mangamba

Andito ako 'pag ika'y mag-isa

Wala akong takas sa nakakalunod mong ganda, ha

Halika nga (ha, ha, ha)

Tingnan mo lang ang aking mga mata

'Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na, wala nang iba (ha, ha, ha)

Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda

Mamahalin kita basta't 'pag nahulog

Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw

Habang-buhay na ako'y iyo

Kahit ang likod mo'y kubang-kuba na

Kahit ang ulo mo'y puro uban na

Isasayaw ka hanggang sa pikit na ang ating mga mata (ha, ha, ha)

Wala naman na 'kong hiling pa

Basta't kasama ka, habang-buhay na kuntento ako

Basta't ikaw lang kasama, ikaw kasama ko

Aking sinta, ano ba'ng mayro'n sa iyo?

'Pag nakikita ka na, bumabagal ang mundo

Tingnan mo lang ang aking mga mata

'Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na, wala nang iba (ha, ha, ha)

Andito 'ko hanggang sa 'ting pagtanda

Mamahalin kita basta't 'pag nahulog

Nakahawak ako, 'wag ka lang bibitaw

Habang-buhay na ako'y iyo

Tingnan mo lang ang aking mga mata

'Wag kang titingin na sa iba

Akin ka na, wala nang iba

Zack Tabudlo کے مزید گانے

تمام دیکھیںlogo

یہ بھی پسند آسکتا ہے