menu-iconlogo
huatong
huatong
amiel-sol-sa-bawat-sandali-cover-image

Sa Bawat Sandali

Amiel Solhuatong
mmillhouse73huatong
Lời Bài Hát
Bản Ghi
Kapag magulo na ang mundo

Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko

Kumakabog na naman ang dibdib

Sa pagkabahala na dala ng daigdig

Sa dami ng nangyayari, sa'n ba 'ko lalapit?

Kung 'di sa'yo lang ako kakapit

Kapag magulo na ang mundo

Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko

Tumakbo ka rin patungo sa'kin

Kapag bumibigat na ang iyong dibdib

Ika'y sasalubungin

Ooh-ooh-ooh

Nais kong sumibol kasama ka

At sulyapin natin ang ating hinaharap

Ikaw lang, ikaw ang aking pahinga

Sa'yo aking gising, hanggang sa pagtulog

Sa'yo ang pag-ikot ng aking mundo

Kapag magulo na ang mundo

Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko (Hanap ko, hanap ko)

Tumakbo ka rin patungo sa'kin

Kapag bumibigat na ang iyong dibdib

Laman ka ng bawat panalangin

Ikaw ang pahinga sa bawat sandali

Patungo sa'yo ang aking tinig

At iisa lang ang sinasabi ng pintig

Ika'y sasalubungin

Ooh, ooh-ooh-ooh-ooh

Ooh, ooh-ooh-ooh-ooh

Kapag magulo na ang mundo

Ikaw ang payapang hinahanap-hanap ko

Tumakbo ka rin patungo sa'kin

Kapag bumibigat na ang iyong dibdib

Sa isang sulyap mo lang

Tila ako'y hagkan mo na

At ang mundo'y gumagaan

Nhiều Hơn Từ Amiel Sol

Xem tất cảlogo

Bạn Có Thể Thích