menu-iconlogo
huatong
huatong
Lời Bài Hát
Bản Ghi
Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo

Ang pangako ng walang-hanggang bukas

Pabaon man sa 'yo'y hapdi ng puso

Aabutin ang pangarap

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap

Katuparan ng iyong pangarap

Kapalit ng dalamhati't paghihirap

Pag-angat ng kabuhayang marilag

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi

Pangarap mo na kay tagal mo nang mithi

Tutularan ka ng sunod na saling-lahi

Kapuri-puring pag-aalay ng lakas

Pagpupugay sa'yo'y mananatili

Tanggapin mo ang pag-papasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit

Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi

Pangarap mo na kay tagal minimithi, whoa

Liparin mo ang hangganan ng langit

Sa ulap ng pag-asa'y iyong makakamit

Kamtin mo sa dulo ng lahat ng iyong pagpapagal

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay, whoa

Ang tamis na dulot ng iyong tagumpay

Nhiều Hơn Từ Angeline Quinto/Regine Velasquez(黎晶)

Xem tất cảlogo

Bạn Có Thể Thích