Hahanapin ko
Ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa'yo
Hahanapin ko
Ang halakhak mo
Kahit na kung saang dako
Hahanapin ko
Umaga't tanghali, gabi
Dahil hindi lilimutin
Kahit na sandali ...
Hahanapin ko
Ang sikat ng araw mo
Pag nalayo sa'yo
Hahanapin ko
Dagat mo at buwan
Ang tag araw at tag ulan
Hahanapin sa timog,
Hilaga't kanluran
Hahanapin ko
Sa pangingibang ba yan ...
At, sa aking paglayo
Dadalhin sa aking paglipad
Babaunin, init ng iyong araw
Sinag ilaw at luningning
Sa aking paglayo
Dadalhin ang lahat
At ng di na hanap hanap ka pa
Kung iiwan kita,
Hanap din lang t'wina
Aanhin pa ang maglalakbay
Di ba?, hoh ...
Hahanapin ko ang awit at tinig mo
Pag nalayo sa'yo
Hahanapin ko ang halakhak mo
Kahit na kung saang dako
Hananapin ko t'wina
At kundi makita...
Aanhin ko pa
Ang gawang iwanan...
Ka...