menu-iconlogo
logo

Pabili Po(无和声版)

logo
Lời Bài Hát
Pabili po oh oh ale pabili

Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi

Pabili po oh oh ale pabili

May tinitinda ka ba na magtatama sa mali

Pabi

Pabi

Pabili , ale meron ba

kayong tindang pag - ibig

Na nilalako parang tsitsirya at tubig

Uhaw na at gutom ang puso kong sawi

Kung san san na nagawi

halos di na mapakali

Baka meron pong tingi

kahit konting pagtingin

Na pwedeng palamuti sa buhay ko na rin

Dahil ang pag - ibig daw

ay pwede ng instant

Kung meron kang yate ,

kotse , malawak na fish pond

Pwedeng pabili ng isang

kilong pagmamahal

Hindi po napapanis at

dapat ay nagtatagal

Padagdag na rin ng apat

ng tumpok na yakap

Dalawang sakong halik na

aking hinahanap … kaya

Pabili po oh oh ale pabili

Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi

Pabili po oh oh ale pabili

May tinitinda ka ba na magtatama sa mali

Pabi

Pabi

Pabili po , meron ba

kayong kapeng matapang

Yung sakto sa panlasa

handa akong ipaglaban

Tsaka sabon para laging iwas sa sakit

Mighty bond na hindi bibitaw

dahil sa sobra ang dikit

Ako ’ y napapikit buhay

mo ’ y parang tindahan

Hihingi ako ng tawad

kahit di ko kasalanan

Sasabihin mong tapat

ang taas ng presyo mo

At sa sobra mong taas

napamahal na ko sayo

Kaya ang pag - ibig ba ay

merong halaga , as in halaga

Yung presyo talaga kung ito ’ y

nabibili para di na maapi

Edi mag - iipon ako ng maraming salapi

Pabili po oh oh ale pabili

Meron ba kayong gamot sa puso kong sawi

Pabili po oh oh ale pabili

May tinitinda ka ba na magtatama sa mali

Pabi

Pabi

Pero aking napagtagpi - tagpi na mali

Napag - isipan kong mabuti at di madali

Di sapat ang salapi dahil di nabibili

Ang tunay na pag - ibig hindi munamadali

Kaya ale bale maliwanag na sa akin

Ang dati na Malabo at mahirap hagilapin

Ngayon nandito na di na bibitawan pa

Kaya ale …

Pabili po oh oh ale pabili

Ng magara na damit may

okasyon lamang kasi

Pabili po oh oh ale pabili

Ng isang kumot dahil

bukas kami nang magkatabi

Pabili po oh oh ale pabili

Ng gamot na pampakalma excited po kasi

Pabili po oh oh ale pabili

Ng mamahalin na singsing

ikakasal na po kami

Pabi

Pabi

Pabi

Pabili po oh oh ale pabili

Pabili Po(无和声版) của Banda Ni Kleggy/Aikee - Lời bài hát & Các bản Cover