“nais ko by miguel vera
Bakit ba ng mawalay ka sa piling ko
Ikaw parin ang laging hanap hanap ko
Sa damdamin ay palaging naroon ka
Ang kasa kasama ko ay ala ala
Alam ko na nagkamali ako sayo
Sinaktan ang pag ibig at damdamin mo
Sana sa piling ko ikaw ay magbalik
Nang muling mabuhay ang ating pag ibig
Nais ko'y muling mahagkan at mayakap ka
Pagkat pag ibig mo ang hanap hanap ko
Sa bawat sandali, sinta..
Nais koy muli kang magbalik sa piling ko
Laging ikaw parin ang hanap ng puso
At aking damdamin..
Ikaw lang, ang pag ibig sa buhay ko..
Ngunit bakit ka naman ganyan..
Walang tiwala sa akin..
Mahal na mahal naman kita..
Tunay ito, aking sinta..
Hindi kukupas kailan pa man..
Kahit itanong mo kanino man..
Mahal kitang talaga..
Gabi gabi na lang sa pagtulog ko
Ikaw lang ang panaginip ko..
Pag ako'y gising na..
Ikaw pa rin ang nasa isip..
Kahit hindi mo 'ko kapiling..
Asahan mong sa iyo pa rin..
Ang pusong ito..
Na iyong inangkin..
Mahal tandaan mo lahat ng sasabihin ko..
Naniniwala ako na tunay ang pag ibig mo
Huwag lang pansinin ang nasa paligid mo
Isipin mong ika’y minamahal ko
Pangako sa iyo hinding hindi magbabago
Mahal iwaksi mo pangamba sa puso mo
Walang mahalaga kundi ikaw lamang giliw
Tanging ikaw lamang ang buhay ko
Kahit ano pa ang nakaraan mo
Walang sinumang makapagbabago
Tapat ang pagmamahal ko
Sayo giliw ko
Kahit ano pa ang sabihin nila
Hindi ito hadlang sa hangarin ko
Wagas na pag ibig
Sigaw ng puso ko
Araw gabi
Bakit naaalala ka't
Di ko malimot limot ang
Sa atin ay nagdaan
Kung nagtatampo ka
Ay kailangan bang ganyan
Dinggin ang dahilan
At ako ay pag bigyan
Kailangan ko
Ang tunay na pag ibig mo
Dahil tanging ikaw lang ang
Pintig ng puso ko
Hahayaan mo ba
Na maging ganoon na lang
Ang isa't isa'y
Mayro'ng pagdaramdam
Bakit di pagbigyang muli
Ang ating pagmamahalan
Kung mawawala ay
Di ba't sayang naman
Lumipas natin tila
Ba kailan lang
At kung nagkamali sayo
Patawad ang pagsamo ko
Tayo na't ulitin
Ang pag ibig natin
Muli ikaw lang at ako
“ikaw pa rin by ted ito
Nang mawalay ka sa aking puso
Kung bakit hanap hanap ka pa
Ang yong mukha'y laging
Lagi na lamang sa isipan ko
Bakit di magawa nitong damdamin
Ang paglimot sa mga nagdaan
Sadya nga bang ganyan
Pag nagmahal ay di matatakasan
Nais ko'y makapiling kang muli
Nais kong mayakap kahit na sandali
Kung pangarap ma'y tatanggapin ko
Ikaw pa rin ang iniibig ko