menu-iconlogo
logo

Mapa

logo
Lời Bài Hát
Siyam na buwan sa sinapupunan

Dugo luha at pawis ang naging puhunan

Pinag- ukulan ng tiyaga at pagpapagal

Ang tanging pinagkukunan ng lakas ay pagmamahal

Sa lahat ng sandali

Kailanma'y di iniisip ang kanilang sarili

Mapamalagi lamang at mapanatili

Na araw gabi kumakandili hanggang sa paglaki at kahit

San makarating

Ang bilin nyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo nyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa mapa mapa

Mapa mapa mapa

Mapatawad nyo po sana

Ang inyong anak na madalas nagkakasala

Pagpasensyahan nyo na kung minsan di ko alintana

Ang mga kamalian ko na hindi ko maitama

Mga salita na pabalibag at padabog

Ngunit kayo ni ayaw nyo kong padapuan sa lamok

Iningatang huwag mahulog sa papag ng hindi mabagok

Nilunok ko ang pangaral hanggang sa huling lagok

Na palaging baunin ang pagiging mabuti

Walang batang napahamak na sumunod at nalugi

Kayo ang humalili upang mapanatili

Ang tatag ng tahanan dahil sa ilaw at haligi

Walang ibang hangad kundi ang mapabuti

Maiayos mapag- aral mapatapos at mapangiti

Mapasaya mapaganda ang buhay sa hinaharap

Dala- dala ang paalala san man mapadpad na kahit

San makarating

Ang bilin nyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo nyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

Di ako maliligaw dahil

Kayo ang lumalarawan sa patag kong mundo

Hilaga silangan timog at kanluran

Ng aking puso kayo ang bumuo

Hinarap pinasan ang bigat binigay ang buong lakas

Upang mapangalagaan at mapatunayan

Dalisay na pag- ibig sa anak hanggang sa wakas kahit

San makarating

Ang bilin nyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo nyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

San makarating

Ang bilin nyo ang dadalhin

Laging lilingunin

Mga payo nyo ang bibitbitin

Mapadpad man sa malayo

Mapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa mapa mapa

Mapa mapa mapa

Mapadpad man sa malayo

Mapapalinaw ang malabo

Mapapanatag aking puso

Di ako maliligaw dahil nandiyan kayo

Mapa của Chloe Redondo/Aikee - Lời bài hát & Các bản Cover