Taglay mo sa bagwis
ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sayo'y
hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap
At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag unlad nitong bayang nililiyag
Kapalit ng dalamhati't paghihirap
Pag angat ng kabuhayang marilag
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga
ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi
...
ohhh, ohhhh
Tutularan ka ng sunod ng saling lahi
Kapuri puring pag aalay ng lakas
Nagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa'y nagpapasalamat
Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag asa'y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga
ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi
Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo ng
lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay
Ang tamis na dulot ng iyong... tagumpay
ohhh ang tamis na dulot ng
Iyong tagumpay