menu-iconlogo
logo

Gandang Filipina

logo
Lời Bài Hát
Bituin ka ba? Kasi ganda ng 'yong mga mata

Nagniningning sa paningin ko, nakakahipnotismo

Oh, 'di ba? Kahit anong lingon ko sa iba

Ikaw pa rin ang paborito, hindi 'to magbabago

Ganda mo kahit 'di ka naka-make up

Ang cute mo pa, baka puwede kang mayakap?

Ikaw ang babae na pinapangarap

Kislap ng 'yong mga mata'y kumukutitap

Kahit na walang kolorete

Natural ang 'yong ganda, ako ay natotorete sa 'yo

Pinay pa rin kasi, Pinay pa rin kasi, Pinay pa rin kasi

Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina

Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa

Kaya ako ay nabighani

Gandang Pinay ay natatangi

Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina

Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa

Kaya ako ay nabighani

Gandang Pinay ay natatangi

Tila nabighani sa iyong kagandahan

Napahinto buong kalawakan ko sa 'yo

Talagang gusto'ng buong katawan

No'ng tinitigan ko 'yung mga ngiti mo

Talagang nakakabighani

Parang mga bahaghari sa ulap

Mga mata mong nangungusap

Talagang gandang Filipina ay walang katulad

Uh, gandang Filipina

Grabe, hindi ka

Hindi ka mapapantayan

Kahit sino itapat, talagang manghihina

Sa tuwing nakikita

Kagandahan mong mala-diwatang kahali-halina

Labis na naakit at ang puso ko'y nadagit

Kaya ako'y napaawit na lang

Oh, binibini, bawat galaw mo ay kakaiba

Ibang-iba, nakakahibang

Bawat ngiti mo, nakakagalak

Talagang kaabang-abang

Bawat alon ng iyong buhok

Hindi nakakailang

Kaya gandang Filipina

Ay talagang nakakahibang

Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina

Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa

Kaya ako ay nabighani

Gandang Pinay ay natatangi

Iba talaga kapag Filipina, kahali-halina

Kakaiba ang 'yong ganda, para kang prinsesa

Kaya ako ay nabighani

Gandang Pinay ay natatangi