Samasama tayo at walang magiiwanan
Kung may problema tayotayo
Lang din naman ang magtutulungan
'Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama 'pag may kasiyahan
Kaya't samasama tayo na parang
Parang magkabarkada lang
Simula pa nung una
'Pag ako may problema
Alam kong may matatakbuhan
Sasandalan walang iwanan
Kahit anong sabihin nyo
Mga kapatid ko to
Kasama ko to sa hirap o
Ginhawa magunaw man ang mundo
Tsaka iba talaga saya na yong dala
Pag tayo ay samasama na
Yung tipo nakakalimutan mo ang lahat ng
Problema mong dala basta ganon na nga
Pag tayoy kumpleto na mas masaya di ba yeah
Gusto ko kasama kayo sa kulitan
Sarap walang iwanan
At kahit na minsan nagkakaron man tayo
Ng hindi pagkakaunawaan
Tampuhan at galit awayan
Pagusapan na lang sa tagayan
Di makatiis pag nakitang nakangiti
Apiran wala na yan
Sabay halakhakan at palakpakan
Kahit na walang nakakatawa
Ganyan kabaliw pag magkakasama
Mapatingin lamang sa bawat isa
At bukod pa sa samahan natin na sa
Kabila ng mga pagsubok kasama kita
Nararanasan mas masaya lagi basta tara na
Samasama tayo at walang magiiwanan
Kung may problema tayotayo
Lang din naman ang magtutulungan
Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama pag may kasiyahan
Kayat samasama tayo na parang
Parang magkabarkada lang
Kami ay mga magkakapatid magkakaibigan lang tignan
Nagkakapikunan man minsan
Walang pwede na mangiwan
Kami din ang magkakasangga sa
Lahat kahit gano kabigat
Ano mang hirap mapapalitan ng
Sarap basta tayo ay magsikap
Sagana sa tawa pag kasama
Sila pero hindi na bago
Walang kasingsaya kaya sa
Kanila kumpleto nako
May kapatid ka na may tropa pa
Eh di quota quota na
Wala na kong mahihiling
Sa kanila pa lang ay sobra na
Sila yung tipo na solid kasama
Mga kadikit sa hirap at ginhawa
Kahit magkakalayo darating kaagad kapag napasama ka
Walang iwanan pag sagana
Lalo na kapag ka wala na
Sabaysabay na magkakaroon
Hanggang maubusan ay magkakasama
Magkakapatid magkakadugo
Kung minsan man ay nagtatalo
Pero sinisigurado ko walang
Magpapabaya pag may naagrabyado
Kaya lagi nang panatag basta
Sila sa kin na bahala
Walang dahilan para magiwanan
Sa isat isa kamiy nagtitiwala
Samasama tayo at walang magiiwanan
Kung may problema tayo tayo
Lang din naman ang magtutulungan
Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama pag may kasiyahan
Kayat samasama tayo na parang
Parang magkabarkada lang
Kaya walang iwanan
Walang iwanan tayo
Asahan mo na
Magdadamayan tayo
Kahit ano man ang problema ng bawat isa
Babangon tayo kahit tayo pa ay madapa
Di magpapahalata
Ganyan lang dapat
Di magpapaawat
Sa pagsubok may subukin
Dapat tayo ay maging handa
Samasama tayo at walang magiiwanan
Kung may problema tayo tayo
Lang din naman ang magtutulungan
Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama pag may kasiyahan
Kayat samasama tayo na parang
Parang magkabarkada lang
Samasama tayo at walang magiiwanan
Kung may problema tayo tayo
Lang din naman ang magtutulungan
Di pwedeng may maiiwan
Lahat kasama pag may kasiyahan
Kayat samasama tayo na parang
Parang magkabarkada lang