menu-iconlogo
logo

Sama-Sama

logo
Lời Bài Hát
Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang

Simula pa nung una

'Pag ako may problema

Alam kong may matatakbuhan

Sasandalan walang iwanan

Kahit ano'ng sabihin n'yo

Mga kapatid ko 'to

Kasama ko 'to sa hirap o

Ginhawa magunaw man ang mundo

Tsaka iba talaga saya na 'yong dala

'Pag tayo ay sama-sama na

Yung tipo nakakalimutan mo ang lahat ng

Problema mong dala basta gano'n na nga

'Pag tayo'y kumpleto na mas masaya 'di ba

Gusto ko kasama kayo sa kulitan

Sarap walang iwanan

At kahit na minsan nagkakaro'n man tayo

Ng hindi pagkakaunawaan

Tampuhan at galit awayan

Pag-usapan na lang sa tagayan

'Di makatiis 'pag nakitang nakangiti

Apiran wala na 'yan

Sabay halakhakan at palakpakan

Kahit na walang nakakatawa

Ganyan kabaliw 'pag magkakasama

Mapatingin lamang sa bawat isa

At bukod pa sa samahan natin na sa

Kabila ng mga pagsubok kasama kita

Nararanasan mas masaya lagi basta tara na

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo-tayo lang din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada

Kami ay mga magkakapatid magkakaibigan lang tignan

Nagkakapikunan man minsan

Walang pwede na mangiwan

Kami din ang magkakasangga sa lahat kahit ga'no kabigat

Ano mang hirap mapapalitan ng sarap basta tayo ay magsikap

Sagana sa tawa 'pag kasama sila pero hindi na bago

Walang kasing-saya kaya sa kanila kumpleto na'ko

May kapatid ka na may tropa pa eh 'di quota quota na

Wala na 'kong mahihiling sa kanila pa lang ay sobra na

Sila yung tipo na solid kasama mga kadikit sa hirap at ginhawa

Kahit magkakalayo darating kaagad kapag napasama ka

Walang iwanan 'pag sagana

Lalo na kapag ka wala na

Sabay-sabay na magkakaroon

Hanggang maubusan ay magkakasama

Magkakapatid magkakadugo

Kung minsan man ay nagtatalo

Pero sinisigurado ko walang magpapabaya 'pag may naagrabyado

Kaya lagi nang panatag basta sila sa 'kin na bahala

Walang dahilan para mag-iwanan

Sa isa't isa kami'y nagtitiwala

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo tayo lang din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang

Kaya walang iwanan

Walang iwanan tayo

Asahan mo na

Magdadamayan tayo

Kahit ano man ang problema ng bawat isa

Babangon tayo kahit tayo pa ay madapa

'Di magpapahalata

Ganyan lang dapat

'Di magpapaawat

Sa pagsubok ma'y subukin

Dapat tayo ay maging handa

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo tayo lang din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang

Sama-sama tayo at walang mag-iiwanan

Kung may problema tayo tayo lang din naman ang magtutulungan

'Di pwedeng may maiiwan

Lahat kasama 'pag may kasiyahan

Kaya't sama-sama tayo na parang

Parang magkabarkada lang

Sama-Sama của Ex Battalion - Lời bài hát & Các bản Cover