menu-iconlogo
logo

Singsing

logo
Lời Bài Hát
Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito (whoa)

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto (yeah)

Ibang-iba ang dating kahit saan pa tumingin

Walang kapares ang ganda, parang mga bituin

Ang lambing ng kilos, madaling mahalin

Siya ay d'yamanteng makinang ang hirap n'yang abutin

At s'ya'y isang dalaga, pangala'y Esmeralda

At sa buong barkada, s'ya lang ang nakatsamba

Na matupad ang pangarap n'ya na kasal

Kaso pang-commercial lang at pang-TV, literal

Kung tawagin silang magbabarkada ay Bicol Ladies

At siya ang pinakaangat sa grupo, no one's against it (no)

Pero lahat may katanungan kung bakit kadalasan

Ang gustuhing iba ang kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

Pakinggan ang istorya nitong si Ruby

Tipo ng babaeng hinding basta tipikal lang

Top of the class at 'di s'ya nagpapahuli

Pero gaya ng iba na mayro'ng ding napagdaanan

S'ya'y dalagang matalino na tapos sa medisina

Malawak ang isip n'ya, nguni't may pagkataklesa

Minsan ay umasang balang araw makasal

Sa isang tao na pinangarap at lubos n'yang minahal

Nguni't 'di n'ya inakalang dadanas ng kabiguan

Nang mapag-alamang sa nobyo n'ya'y may 'di siya nalalaman

Na taliwas sa inakala ang lihim nitong katauhan

Nguni't babangon s'ya, ano mang pait ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

S'ya daw ang pinakaswabe, 'yan ang sabi sa kwento

Kung titignan, parang walang depekto

'Yung korte perpekto, kaso t'yempo, 'di na pwede kay Pedro

Kasi napamahal na s'ya sa kumbento

Kaya mukhang hindi na para kay Adan ang kutis-balerina

Malabo nang maging tulad ni Zoren at Carmina

Binalutan at mukha n'ya na lamang ang pwedeng makita

Nakarating na sa altar, kaso nga lang bilang Maria

Pinangarap kong makarating ng kasalan

Nangyari, kaso lang sa ibang pagmamahalan

Iba man ang dahilan bago ko pa maranasan

Ayos lang kahit hindi binigay ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

Lagi na lang kaibigan ang dating

Kahit na estado natin mahirap na tanggapin

Ako sa 'yo ay mayro'ng palihim na pagtingin

Matalik na kaibigang babae lang tayo, dapat hindi pwedeng kiligin

Pero bakit ba sa tuwing ikaw ay nasa tabing

Tayong dalawa'y nagmimistulang lesbian ang dating?

Sa'n man tayo magpunta ay pinipikt'yuran kita

'Di ko akalaing sunod na kuha'y sa kasal mo na

Gusto ko sabihing "Goldie, I'm happy, I'm always be here"

"For everyday, I'm still ang bestfriend mo na chubby"

Masaya ako na maging abay at sa 'yong kasalan

Na sa ibang kamay ibinigay ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na 'ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

Nawawalan na s'ya ng pag-asa na mayro'n pang t'yansyang

Dumating ang araw na iharap s'ya sa dambana

'Di naman daw s'ya yung tipong may nagkakandarapa

Kaso mapaglaro pala talaga ang tadhana (tadhana)

Sa unang tingin, walang ningning

At kung tutuusin, hindi s'ya kapansin-pansin

Sino'ng mag-aakalang panahon ay darating

Na s'ya pa pala ang unang aalayan ng singsing

Bagay na minsan lamang mararanasan

Sa kanya pa nangyari nang 'di inaasahan

Kabaliktaran pala kadalasan

Kaya 'wag pangunahan kung ano'ng kapalaran

Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

Ay handa 'kong maghintay-yay-yay

Kung kailan ibibigay-yay-yay

Pero kung 'di man para sa 'kin ito

Kahit na ano'ng mangyari, ako ay naririto

Kung hindi man para sa 'kin ito

'Di na ko magtataka kung bakit laging bigo

Ako ay lagi lamang naririto

Kahit na nahihirapan na ang sarili ko, oh