menu-iconlogo
logo

G Wolf

logo
avatar
FLOW Glogo
💕💦bu꒒ꂦ꒒ᵇᵏlogo
Vào Ứng Dụng Để Hát
Lời Bài Hát
Alam ko na isa 'to sa na miss nyo

'Yung ako'y magpaka-beast pero atleast

Laging pa ring na sa list, kahit walang ni-release

'Yung mga diss buti na lang natiis ko kahit nakakainis

Sa unli pa lang ay panis na, wala kong kailangan i-please

Ako lang ang 'di lumusog pero 'yung sulat busog

'Yung beat ay palaging sunog,

hindi na sumusulat ng hindi magkakatunog

'Di pa ba kayo na katunog

Sa'kin lang kayo makakanood na 'yung tsamba magkakasunod

Kaya halatadong tulog na 'yung taong

nagsabi sa akin hindi pa ako hubog

Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog (Wow)

Mga ugok (Ugok)

Magkakasabay na bulok (Lok, lok)

'Di kami 'yung dahilan kung bakit 'di na kayo patok

Sadyang hindi na pasok dito 'yung mga tira pasok

Napakadami ko na alog,

simula nung nakita nila akong tumula napadabog

Lahat sila sa'kin pasugod,

totoo pala ang inggit ay 'di na kaya magamot

Ako lagi tampok ng mga tunog hambog laging may nag-aamok

Kahit na wala ko inalok may sumasagot,

hoy ano ba naman ambot

Para sa buong sumuntok, mga pumutok

Pero sa pangalan namin nakabuntot

Mga kumurot puro abog mga tunog

Na akala nila kabute sumulpot

Malamang sa malamang ay mauna pati sila mauntog

Bago pa makarating sa tuktok

Sira tuktok, panahon niyo na maudlot

Kasi kami na ang taga-tuldok

Oh sige namnamin niyo lang

Pero pagtagal malalaman niyo rin ang sumatutal

Kung gusto niyo mapansin, sige lang

Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular

Hoy 'di 'to madali boy, 'wag niyo na 'kong kine-kengkoy

'Di ko na rin kayo ka-lebel, oy

Malaki na ang kaibahan

(Malaki)

Kahit magtanong ka ba sa iba d'yan

Basta may alam, alam niya na 'yan

Jusko naman 'pag 'di pa inamin ewan ko na lang

Oh sige ito pa ba bitin ka pa sa naririnig mo ngayon

Ito 'yung tipo na isang beses mo lang maririnig sa'kin kada taon

'Di ito para sa palakpakan, gusto ko lang ipangalandakan

Na hindi lang ako pangkalmahan

na kantahan 'yun ang hindi niyo nalaman

'Yun lang ang ginawa kong hakbangan

hanggang sa nagka-pangalan

Habang hiniram kunwaring nababawan,

ginawa akong hagdanan

Ang daming nakulangan, nahinaan,

kailangan ko pa yatang pakitaan

Kaso nga lang 'di na bali baka sa'kin

pa madaming mayabangan

'Di mahulaan 'yung tugma

'Di lang sa dulo may suntok pati sa gitna mula umpisa

May pino-punto 'to

(Boom)

Magaling na sana sila kung 'di natututo

Dahilan ba't nawalan ng papel 'yung iba at 'yun ang totoo

'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat

Dire-diretso ang lakad patunay na

mga paa'y sa lapag nakatapak

Banat nang banat hanggang

matupad lahat ng mga balak

Mapasa-kamay ang hindi ko pa hawak

Hanggang sa lumawak kasi

nga gano'n naman talaga dapat

Sa dami ng pinakalat, eh bakit

ang dami pa rin nasasabi na lait

Kung kami palagi ang hinahanap ng

marami at sa'min sila lumalapit

Kung kami palagi ang topic ng mga

tao na sa awit namin ay na adik

'Di ka na dapat nagagalit,

kung 'di mo gusto makisabit

Oh gusto nyo ng flex

Sige ito pa 'yung next

Tignan niyo na lang kung sino 'yung naka-abante

(Naka-abante)

Kita naman kung sino ang 'yung naka-diyamante

(Ice, ice)

Daming nagkalat sa kalye,

feeling higante

Pero kapag umatake,

mas mabango pa 'yung tae ng elepante

Akala ko ba magaling bakit nand'yan pa rin (Nand'yan pa rin)

Tignan niyo na lang kami, layo na ng narating

Mula nung kami dumating,

lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene

Nakita kasing iba 'yung nagmamagaling

sa tunay na magagaling

G Wolf của FLOW G - Lời bài hát & Các bản Cover