menu-iconlogo
logo

Praning

logo
avatar
FLOW Glogo
❌ʟᴏᴡᴋᴇʏ!🔥logo
Vào Ứng Dụng Để Hát
Lời Bài Hát
Sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Baka mapraning ka sa'kin mga bagong parating

Mahihilo kahit na 'di ka lasing

Sa dami ng tinanim abang na lang sa bunga para pitasin

Habang sila gutom patos na kanin with asin

Puro papel ang pwede walang barya

'Di lang d'yan pati bulsa busog lagi walang palya

Naka-ipon ako ng milyon na walang gamit na alkansya

Lumawak ang pangalan ng walang dungis, walang mantsa

Asahan mong sobrang smooth ng move, ang good ng mood

Kumbaga lagi lang studio good

'Di ako cook pero busog kapag nag-serve ng food

'Yung rap ko ang sarap, 'yung rap niyo ang sarap i-mute

Kaya magmano ka para 'pag natalo may balato ka

Wala nang dapat pa na pagtalunan, may nanalo na

May mga plano pa na bago, jusko, pa'no na

Klarong-klaro na lahat sila dehado na

Sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Kaya kahit sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Utak ko malawak mala-dagat 'yan ng mga banat

'Pag balak makilala kaagad kasi hangad lang mukha mababad

Sa sobrang lalim at kakadagat, nung maaasim ayun inalat

Halos abot kamay na nila 'yung pangarap

Pero 'di pa rin pinalad, sige, unahan palagi ng yabang

Hanggang sa maipanalo ang laban

Pero mas ayos pa rin 'yung manalo ka muna sa una tsaka mo iyabang

'Wag mong hanapin 'yung mga hiyawan

Kung sa kasipagan 'di ka makitaan

Kasi 'yan din naman una kong pinakita, bago ko 'to pagkakitaan

'Di 'to madalian na makuha, dito 'di mo sigurado ruta

Magpaka-tuta man o magmala-puting tupa

Gagawin nila lahat para huminto ka

Maraming magmamagaling, aasarin

Sasagarin, kakagatin, mamatahin ka

Kaso naging makinang ka pa rin sa marami kasi ginto ka

'Yung sarili mo kalabitin muna 'yung ganito ayaw ko masikmura

Madaming bituin na ang naging lupa

At mga bago na naging luma

O baka boy talo ka pa, sige panalo ka na

At mananalo pa kahit papa'no sa kapapanalo mo

Kahit matalo ka na napakarami mo nang nagawa

At manalangin na sana 'yung duda nila lumala

Para 'yung gutom mo sa katawan ay hindi mawala

'Wag mong bilangin ang tumingala

Hanapin mo lagi 'yung gusto hilain ka pa ibaba

Sa pagmumukha do'n mo ipapamukha

Na lahat sila balewala

Sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Kaya kahit sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Kaya kahit sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Kaya kahit sumang-ayon ka man sa'kin o hindi

Kung anong meron ako, hindi ko hiningi

Pagod, puyat, dugo, pawis bago makuha 'yung nais

Kumilos ako 'di lang basta humiling

Praning của FLOW G - Lời bài hát & Các bản Cover