menu-iconlogo
logo

Rapstar

logo
Lời Bài Hát
Di niyo na pwede masisi kung ba't gan'to

Ginaganapan ko lang na natural

Tsaka inagapan ko na mautal

Nilaban, sinugal, ginapang, minahal

Katagalan, natutunan ko nang tumagal

Tsaka alam ko naman na inaabangan

Na sana tabangan 'yung papakawalan para 'di naabangan

Kaso nga lang palaban na batang Alabang

Kinalakihan na galingan nang galingan

Kaya nakasanayan kong makabuo ng madiin

'Di ko namalayang na malayong-malayo na pala

Na 'yung narating pati ako napaling

Mga naniwala 'di ko pwedeng biguin

'Di ko pwede pakitaan na bitin

Mga tenga na kailangan busugin ko pa din

Kahit kabisado na kilitiin

Alam ko na may mata na nagbabantay

Kung pa'no ako sasablay, matyagang nag-aantay

Kung kailan ako tatamlay at lalaylay

'Yung mga laway na laway na makita ako na mahina

Umay na umay na manira, ngalay na ngalay na manghila

Kasi nga walang pinakitang hindi pamatay

Nung napasarap mag-rap ang daming nagbago

Daming nagbago mula nung kilalanin ng tao

Daming nagtulak sa'kin palaging maging ganado

Palaging plakado, 'pag gumalaw palaging planado

Daming pasabog kailangan, 'pag malawak ang sakop

Ikaw din ang talo sa laban, 'pag nabalot ng takot

Kung sa'n ka aabot, hakutin lahat nang mahahakot

'Yung dami ng pagod ay may sukli, 'pag 'di ka madamot

At kung hindi ko tyinaga baka nauwi na sa wala

Ganito pala 'to kalala, kita mo naman ang napala

Pa'no kung hindi ko ginawa, 'yung iba 'di makahalata

Malaki na ang nakataya, marami na pwede mawala

Kaya 'di na pwede pabaya, hindi pwede puro mamaya

Baka sa huli mapahiya, totoo na parang himala

Nagsimula sa ibaba, tiningala

Matagal ko din 'yang kinapa kada gawa

Gumanda pa 'yung kalidad, 'di mo nakitang binaba

Dumarami pang nagdududa, puro kilos ang inuuna

Ngayon kita mo namumunga, tumutubo na

Napakarami ko nakukuha pero 'di pa rin nalulula

Ta's sa ugali wala pa ring binago

Tao pa rin 'pag humaharap sa tao

Pero 'pag usapang rap, paiba-iba 'ko

Literal na may bago kang aabangan

Sa tuwing may ilalabas na bago

'Yun ang ginawang pambawi sa nakikinig palagi

Para mas lalo sila ganahan, 'di 'yung mga bago ko hanapin

'Yung iba naman nababawan pero 'di na para atupagin

'Di kasi nila maunawaan na 'yung bulsa ko pinapalalim

Kahit papa'no naman naganapan ko paunti-paunti

Gumalaw ng pino, hindi maitatanggi

Iba din na laking Munti, tila may anting-anting sa galing

Himala 'yung kuting ay naging kambing

Sa dami ng hinain na putahe

Pwedeng akalain malaking canteen

'Yung iba nakahalata na sa pangalan at plaka

Nagiging malala bigla, lalo 'pag babaliktad na binasa

Bago magawa ang 'di ko pa nagagawa maiba lang ang lasa

Para maipakita ko na 'di ako gumagawa nang basta-basta

Ngayon lalo pang nananabik

Kasi meron nang bumabalik

Gagawin ko pa rin nang gagawin

Ngayon sa'n pa kaya ako nito dadalhin

Subok na subok na 'yung lagi niyong sinusubok 'to

'Yung mga nanubok, 'yung ilong umusok tsaka kumulo tumbong

'Eto na ngayon 'yung mga sinabihan niyong gunggong

Sa tuktok na kami tumutungtong, 'eto 'yung hindi niyo matutunton

Tsaka ramdam niyo na rin na pataas kami nang pataas

Kada labas kahit hindi madalas, palakas pa rin nang palakas

Sa'min na 'tong palabas, mabanas kayo nang mabanas

Pagka-usapang 'Pinas, pasok kami d'yan hindi na mapapalabas

'Wag ka na magtaka, ba't nangyari at papa'no

Kasi kitang-kita niyo naman, malinaw pa sa klaro

Sarili na lang ang tinatalo, oo, wala nang iba

Halata kasi nga nung 'yung uso naiba

Oh, 'di ba 'yung iba nabura

Rapstar của FLOW G - Lời bài hát & Các bản Cover