Ang suot niya
Ay lumang luma
At ang kanyang mga mata'y
Malamlam
Banaag mo sa kanyang mukha
Ang kahirapan
Maghapon siya
Sa mga daan
Nanghihingi
Ng kaunting tulong
At madalas n'yo siyang hamakin
At libakin
Siya ay pulubi,
Hinahamak ninyo
Siya ay pulubi,
Tao ring katulad niyo
At pagsapit ng dilim
Wala man lang siyang
Matutuluyan
Sa lamig ng paligid,
Walang makublihan
Kailan niyo siya
Kaaawaan
Kailan niyo siya
Mauunawaan
'pag ang lahat ay hulina,
Siya'y lilimusan
Siya ay pulubi,
Hinahamak ninyo
Siya ay pulubi,
Tao ring katulad niyo
Siya ay pulubi,
Hinahamak ninyo
Siya ay pulubi,
Tao ring katulad niyo