Mabuti pa ang mga surot,
Laging mayron may sisiksikan.
Mabuti ang bubblegum,
Laging mayron didikitan.
Mabuti pa ang salamin,
Laging mayron tumitingin. '
Di tulad kong laging walang pumapansin.
Mabuti pa ang mga lapis,
Sinusulatan ang papel.
At mas mapalad ang kamatis,
Maya't maya'y napipisil.
Napakaswerte ng bayong,
Hawak ng aleng maganda. '
Di tulad kong lagi na lang nag iisa.
Ano ba'ng wala ako na mayron sila? '
Di man lang magkaisa
Habang iba'y dala dalawa.
Pigilan n'yo ako magpatiwakal.
Mabuti pa ang galunggong
Nasasabihan ng "mahal".
Kahit ang suka ay may tuyo,
At ang asin may paminta.
Mabuti pa ang lumang dyaryo
At yakap yakap an isda.
Mabuti pa sila, mabuti pa sila. '
Di tulad kong laging na lang nag iisa.
Mabuti pa ang simpleng tissue,
At laging nahahalikan.
Mabuti pa ang dating
Bisyo, umaasang babalikan.
Mabuti pa sila, mabuti pa sila. '
Di tulad kong lagi nalang nag iisa.
Pigilan n'yo ako magpatiwakal.
Bakit si gabby concepcion
Lagi na lang kinakasal?
Mabuti pa mga snatcher, at
Laging may nag hahabol.
Ang akin luma na computer,
Mayron pa rin compatible.
Mabuti pa sila,
Mabuti pa sila. '
Di tulad ko,
Hanggang ngayon,
Nag iisa.