Sa puso ko'y ikaw lamang wala nang iba 
Kahit malayo ka'y parang kapiling ka 
Sa bawat sandali ika'y na-aalala 
Walang ibang bukang-bibig kun'di ikaw sinta 
Alam ko na ang puso mo 'di pa handa 
Pagkat hindi pa n'ya kayang magtiwala 
Nandito ako, maghihintay sa yo 
Pagkat ngayon lang nakakilala ng katulad mo 
Sa puso ko'y ikaw lamang ang mamahalin 
At magpakailanman tanging ikaw ang iibigin 
Ikaw ang s'yang pangarap ko 
Ikaw ang buhay ko 
Tanging ikaw walang iba sa puso ko 
Nandito ako maghihintay sa yo 
Pagkat ngayon lang nakakilala ng katulad mo 
Sa puso ko'y ikaw lamang ang mamahalin 
At magpakailanman tanging ikaw ang iibigin 
Ikaw ang s'yang pangarap ko 
Ikaw ang buhay ko 
Tanging ikaw walang iba sa puso ko 
Sa puso ko'y ikaw lamang ang mamahalin 
At magpakailanman tanging ikaw ang iibigin 
Ikaw ang s'yang pangarap ko 
Ikaw ang buhay ko 
Tanging ikaw walang iba sa puso ko