menu-iconlogo
huatong
huatong
hero-tagu-taguan-cover-image

Tagu-taguan

Herohuatong
pol.beauwenshuatong
Lời Bài Hát
Bản Ghi
Mukha mo ay hindi maipinta

Bakit nanlalambot ka?

Kumain kana ba?

Kung hindi pa halika

Bangon na darling

Sabay tayong kumain

Tapos na kong maghain

Kakaluto lang ng kanin

Ito ang tuna ulamin

Na nasa lata at maling

Bumili rin akong saging

Na pagsasaluhan natin

Kailangan ko yan

Kasi sa trabahong pinapasukan ko dapat malakas pangangatawan

Ilang taon na kong taga katay ng karne kabisa ko na ang patamaan

Siyam na oras sa isang araw ang aking binubuno pinagtitiisan

Ilang hayop na ang tinapos ko ang buhay para may sahurin sa katapusan

Alam ko naman at alam mo rin kung ano ba ang dahilan

Dati akong bata ng isang pulis na matulis si ginoong madrigal

Nung panahong gusto ko ng umayaw sa galit sya ay nangatal

Pinosasan ako at tinaniman saka binilanggo sa malayong lugar

Kaya ngayon lagi nakong nagiingat

Ayoko ng maranasan pa yung hirap

Halos gabi gabi mata nakamulat

Sa higaang bibihirang makaunat

Kaya aking mahal ito lang ang iyong tatandaan

Basta para sa iyo lahat ay aking gagawin

Ikaw nalang ang meron ako di nagsisinungaling

Wala na kong dapat itago't tinatago sana ay ganun ka rin

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pag bilang kong tatlo, siguraduhin niyo

Na nakatago na kayo

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pag bilang kong tatlo, siguraduhin niyo

Na nakatago na kayo

Araw araw pinagmamasdan

Kita na parang kalangitan

Sayong bisig lang ako sasandal

Pangako alam yan ng maykapal

Wala ng iba pang hinahangad

Kundi ang maiharap ka sa altar

Pagiipunan ko yan kahit anong kapalit

Pero di na muling susugal pa sa ilegal

Na gawain matagal ko na yong pinagsisihan

Isang kemikal hindi natural

Ang nakasanayan na gawin

Maling kinahiligan

Kaya nung lumabas ako ng piitan ay

Naghanap ako ng pwedeng malapitan at

Naalala ko ang isang kaibigan na

May ari babuyan sa aming bayan

Sana ay natatandaan mo pa ko

Kalaro at kasama mo magtago

Pag tayo ang magkasama ay napakalabo

Na isa satin magpatalo

Tanda mo pa ba si Raquel yung laging taya

At laging asar talo

Siya ngayon ang aking kasintahan

Diba napakaswerte ng pagmumuka ko

Handa kong gawin ang lahat

Magtatrabaho ng maayos

Papasok sa tamang oras magiging tapat na kaibigan sa amo

Boss

Basta maging totoo ka sa akin

Wala ka ng problemang dapat isipin

Nasabi ko na lahat ng gusto mong alamin

Di ko na para pa na itago at magtago sana ay ganun ka rin

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pag bilang kong tatlo,siguraduhin niyo

Na nakatago na kayo

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pag bilang kong tatlo, siguraduhin niyo

Na nakatago na kayo

Biyernes ng gabi bago ako umuwi

Pagod na pagod pawisan galing katayan

Teka muna sandali bago ako umuwi

Babale muna ko pambiling ulam isang daan

Paakyat ng opisina kinakabahan

Ako na parang hindi ko maintindihan

Ituloy ko pa ba to o wag nalang?

Di pwede nagiintay ng ulam ang aking mahal

Dahan dahan umakyat tahimik na humakbang na parang sundalo

May nakukutuban akong di magandang mangyayare ano kaya to?

Kumakalam na ang sikmura di na ko makapagisip ng maayos

Pag bukas ko ng pintuan tumambad sakin si amo at si Raquel

Na tanging sapatos nalang ang soot

Nakababa ang pambaba

Nakataas ang pantaas

Tumigil ang mundo at napatulala

Init ng aking katawan ay pataas ng pataas

Hindi kumakalas na parang nakasintas

Ang kakati niyo para kayong mga tigdas

Hinila ko si amo at nakapiglas

Sating tatlo ikaw ang di makakaligtas

Nakadampot ng pamalo pinalo ko sa ulo nawalan ng malay

Teka bakit parang nangyare na to

Ginigilitan pabalik balik hanggang sumirit uminit tumirik ang mata

Teka wag kang malikot

Habang pinagtataga ko nakatabacco

Yan talaga ang natatamo

Ng mga taksil na tago ng tago

Ngayon malabo ka ng ma-embalsamo

Mukha mo ay hindi maipinta

Bakit nanlalambot ka?

Kumain ka na ba?

Kung hindi pa halika

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pag bilang kong tatlo, siguraduhin niyo

Na nakatago na kayo

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Wala sa likod, wala sa harap

Pag bilang kong tatlo, siguraduhin nyo na nakatago na kayo

Nhiều Hơn Từ Hero

Xem tất cảlogo

Bạn Có Thể Thích