Parang panaginip ang makita ang isang katulad mo
At ang kislap ng 'yong mga mata
At ang ligaya na iyong dala'y ibang iba
Pero sa liwanag ng umaga ay ika'y nawala
At 'di man lang nasabi na aalis ka na
Pero hanggat may bituin sa langit ay 'di ako nag iisa
Maalala pa rin kita kahit saan man mapunta
O paraluman kelan ka ba mahahagkan
Sabihin mo naman paraluman
Para 'di na mainip para 'di na mag isip
Kelan ka uuwi paraluman
Lagi kang aabangan kahit pa matagalan
O paraluman magpakita ka naman
Sa'king mga panaginip lang makikita ang isang tulad mo
Isang tulad mo
Nanaginip ng gising para bang lasing
Kung saan saan nalang nakatingin
Kung saan saan nalang
Kasi sa liwanag ng umaga ay bigla kang nawala
At 'di man lang nasabi na aalis ka na
Pero hanggat may bituin sa langit ay 'di ako nag iisa
Maalala pa rin kita kahit saan man mapunta
O paraluman kelan ka ba mahahagkan
Sabihin mo naman paraluman
Para 'di na mainip para 'di na mag isip
Kelan ka uuwi paraluman
Lagi kang aabangan kahit pa matagalan
O paraluman magpakita ka
Kahit magbago man ikot ng ating mundo
Kahit na umulan pa man o bumagyo
Hindi magbabago ang pagtingin ko sa'yo
Pangako sa'yo andito lang ako
Kung sa panaginip lang muna tayong dalawa
Kahit sa panaginip pangako wala nang iba
Sa puso't isipan ikaw naman talaga
Pangako sa'yo andito lang ako
O paraluman kelan ka ba mahahagkan
Sabihin mo naman paraluman
Para 'di na mainip nakakapagod mag isip
Kelan ka uuwi paraluman
Lagi kang aabangan
Kahit pa matagalan
O paraluman hanggang sa susunod na lang