Sa iisang hapag
Ating itatag ang pagkakaisa
Ang sisidlang basag ating ilapag sa dulang ng Ama
Pagsaluhan natin ang luksa
At damhin ang sugat ng bansa
At doon doon natin ipunla
Butil ng diwang mapagpalaya
Sa iisang hapag ating itatag ibangon itindig
Sa dulang ng katotohanan
Sa sahig ng katarungan
Doon doon natin ipagdiwang
Kapayapaa't pag-ibig
Sa iisang hapag
Ating itatag ang pagkakaisa
Ang sisidlang basag ating ilapag sa dulang ng Ama
Pagsaluhan natin ang luksa
At damhin ang sugat ng bansa
At doon doon natin ipunla
Butil ng diwang mapagpalaya
Sa iisang hapag ating itatag ibangon itindig
Sa dulang ng katotohanan
Sa sahig ng katarungan
Doon doon natin ipagdiwang
Kapayapaa't pag-ibig
Kapayapaa't pag-ibig