Kay tagal kong hinahanap na lagi lang naka abang
Nasa'n na aking pangarap patabang nang patabang
Piso piso kong kinalap ba't nagka utang-utang
Sa pag-asa kung mayakap basta't sagutin mo lang
May sahod na ba na ba na ba may sahod na ba na ba na ba
May sahod na ba na ba na ba may sahod na ba na ba na ba
May sahod na ba
Patingin ng bayarin ng tubig at bahay oh tiis-tiis na muna tayo sa lumang tinapay
Sira na ang relo pero nandyan naman si tatay
Hoy bumangon ka na d'yan at 'wag kang magpa patay-patay
Tanghali na puro ka 'di bale na kailan ka magbabayad kung nabali na
Parang boss ko sa trabaho palaging nagagalit
Bakit para siyang may ugali na 'di medyo maganda na parang 'di mabango wala kang magawa
Kailangan mo ang trabaho mo kahit napa ka lansa sisingotin mo ng mahaba
Umabot lang ang pisi sa taling ito taling ito (talign ito)
Kase pinagkakasya ko na lamang ang baon ko kapag na hulugan ng piso
Kulang ang pamasahe ko
Ganun talaga buhay anong masasabi ko teka magkano na ba ang na bali ko
May sahod na ba na ba na ba may sahod na ba na ba na ba
May sahod na ba na ba na ba may sahod na ba na ba na ba
May sahod na ba
Pagpatak ng a-kinse o a-trenta eto na para bang kayang bilhin na lahat ng tinitinda
Ba't 'di mo iniinda ang salaping iniitsa winawasiwas na sulo dito sa gubat ng mitsa
Animo'y 'di mauubos kahit na alam mong kulang
Oh kay hirap kumilos kung lumulutang ka sa utang paulit-ulit na lang mahirap makalimutan
Mabuti nang mabuti kung mayro'n kang mayamang magulang
Pahingi kasama na ang pang-inom at gimik tabingi mga matang sa gutom ay tumirik
Madali lang naman solusyon at pamihit susi sa lahat ng mga makitid mo na palugit
Sa tuwing pinagkakasya mo na lamang ang baon mo
'Pag nahulugan ng piso kulang na'ng pamasahe mo
Gano'n talaga ang buhay anong masasabi ko teka magkano na ba ang nabali ko
Kay tagal kong hinahanap lagi lang nakaabang
Lasa ng aking pangarap patabang nang patabang
Piso-piso kong kinalap ba't nagkautang-utang
Sa pag-asa kong mayakap basta't sagutin mo lang