Umiiyak
Gabi gabi
Walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban
Sa digmaan
Na talunan
Hanggang Kailan
Talo na pagod na
Akala ko ika'y sa akin pa
Pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga
Naglalagalag
Sa kadiliman
Naliligaw nalilito
Ano nga ba ako sa 'yo
Sino nga ba
Ako sa 'yo
Dito sa
Aking pagkakahimlay
Sa dibdib ko ay
Parang may nakadagan
Walang kasing lungkot
Walang kasing sakit
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili
Sino nga ba Ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Kung kalungkutan kong
Kaligayahan mo
Kung pagkagapos
Ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso
Kong siyang lunas
Diyan sa puso mo
Paano na ako
Magpaparaya ba
Papakawalan na
Lamang ba kitang
Buo sa loob
Pinanghihinaan na nang loob
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat pumili
Sino nga ba Ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Humahagulhol ngunit
Wala namang nakikinig
Walang magandang
Mapupuntahan
Kailanman
Ang Maling Pag-ibig
Kaya ngayon pipiliin ko
Muna ang aking sarili
Bago pa magmahal muli
Magmamahalan pa kaya
Magmamahalan pa kaya
Tayong muli
Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili
Sino bang dapat
Pumili sino nga ba
Ako ba o Ikaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Gusto ko nang bumitaw
Bibitaw
Bibitaw
Gusto ko nang bumitaw
Pipiliin ko nang sarili
Bibitaw
Bibitaw na