Ohhh woohh
Ohhh woohh
Ohhh woohh
Luha at ulan iisa lang ang dahilan at pinagmulan at ito ay ang kalungkutan,
Lungkot ng kalangitan kaya nagdudulot ng pag ulan at
kalungkutan sa iyong mata na syang dahilan ng iyong pagluha.
Bakit nga ba pag nasasaktan tayo’y lumuluha?
Bakit nga ba luha ang senyales sa lungkot na ating nadarama?
At bakit pagkatapos nating lumuha andun parin ang sakit,
Sakit na pilit mong kinakalimutan ngunit tila’y ayaw mawala wala,
At higit sa lahat bakit sa tuwing nakakadama ako ng kalungkutan nakikisabay ang kalangitan?
Malungkot ka nanaman palagi nalang, Palagi ka nalang ganyan sa tuwing meron kang dinadamdam,
Dinamdamdam ang mga problemang paulit ulit nalang
Paulit ulit at minsa’y nakakasawa na , ngunit wala kang magawa kundi ang lumuha nang lumuha.
Pero alam nyo ba!
Alam nyo ba na ang pinakamalungkot sa lahat ay ang sa bawat pagpatak ng iyong luha ni isa walang nakaka alam,
Na sa bawat pagpatak ng luha sa iyong mga mata kahit isa walang nagtanong kung
“ok kalang ba?”
kung “kaya mo pa ba?”
kung “makakaya mo ba?”
Ohhhhj woohh
Nakakatawang isipin diba na kung sino pa ung inaasahan mong andyan sya pa ung wala,
Wala sa panahong kailangang kailangan mo sya,
Kung sino pa ung alam mong nakakakilala sa iyo ng lubusan sya pa yung parang mangmang at walang kaalam alam,
Walang alam sa mga lungkot na iyong pinagdadaanan.
Pero kahit ganoon di ko sila masisisi,
Dahil kahit ako ay hindi ko na kilala ang aking sarili,
Nang dahil sa lahat ng sakit puso ko na’y naging manhid,
Manhid na manhid na umabot na sa puntong hindi ko na madama,
Madama ang bawat pagpatak ng butil ng ulan at luha sa aking mga mata.
At sa bawat pagpatak ng mga ulan kasabay nito ang pagpatak ng luhang nagsisimbolo sa labis kong kalungkutan.