Lagi na lamang mabigat ang iyong dating
Nagpapatawa ako di mo ako pinapansin
Kaya tuloy ako'y kinakabahan
Sabihin mo saakin tayo ba ay may tampuhan
Dati rati ay masayahin ka noon
Kahit ako lamang kasama mo sa mag hapon
Iba na ang iyong mga kabarkada
Ako ba ay iyong iniiwasan na
Sabihin mo saakin tayo'y may tampuhan lang
Ngayon ba ang araw ng muli mong pag ngiti
Dating lambingan sana nga ay maglambing muli
Ang tanong ng puso ko san ako nagkamali

Aahh ahhh
Di ko alam kung ano nga ba ang nagawa
Kilala mo ako saktan ka ay di ko sinasadya
Pagod na nga yata itong puso ko
Hindi laruan itong damdamin ko
Ngayon ba ang araw ng muli mong pag ngiti
Dating lambingan sana nga ay maglambing muli
Ang tanong ng puso ko san ako nagkamali
Ngayon ba ang araw ng muli mong pag ngiti
Ngayon ba ang araw ng muli mong pag ngiti
Dating lambingan sana nga ay maglambing muli
Ang tanong ng puso ko san ako nagkamali
Ngayon ba ang araw ng muli mong pag ngiti
Ohh oohh