Ako si Osang
Labing pitong taong gulang
Pangalawa sa tatlong magkakapatid
Hiwalay ang mga magulang taga antipolo cupang
Ako'y ina na din ngayon sa aking dalawang anak
Kahit 'di ko pa alam ang maging magulang
Na madaling malagyan ang sinapupunan
Hindi ko malilimutan ang nangyaring kababuyan
Sa loob ng aming tahanan
Nagsimula ang hindi masikmurang kahalayan
Na mapag-desisyonan ni mama na mangibang bayan
At iwanan kaming tatlo sa aming ama-amahan
Nung una'y maayos, kaming pinapakisamahan
'Di nag laoy tinatrato nalang na parang basahan
Kapag nalalango sa alak, pinagnanasahan ako
At halos gabi-gabi nalang na ginagapang
At wala akong magawa
"Subukan sumigaw para ang bangkay nyo bukas sa ilog na lumitaw"
Palaging nanginginig kahit hindi giniginaw
May mga araw at gabi na gusto ko ng bumitaw
Kaso hindi ko maiwanan ang kuyang may kapansanan
At babaeng kapatid ko na sampung taon palamang
Gustuhin ko man lumaban ay mas nilunok ang tapang
Para sa pansamantalang kalayaan
Lunok laway na nagpahalay ako
Buksan ang iyong mata
Buka ang iyong bibig
Sabihin ang gustong sabihin
Tibayan ang didib
Kung hindi ka makapagpasya
Dahil sa mga mapanghusga
Tumingin sa salamin
Saka mo tanungin kung nasaan ang hustisya
Hubad! Gusto ko buong saplot
O gusto mong pukpukin ko kapatid mo ng mangkok?
Asan na yung kuya mong parang laging inaantok
Kulang-kulang ayan tuloy hindi ka maipagtanggol ah
Sige patong na sa lamesa at sayawan mo ko na para kang si magdalena
Wag ka ngang umiyak sinisira mo yung eksena
Sabay kasa nya sakin ang kalawanging bareta
Na punong-punong ng bala hintuturo sa gatilyo
Yung nguso ng baril nakahalik saking sintido
"Gawin mo ba ang gusto ko kahit ano halika dito"
Kinaladkad papunta sa kwarto ni Kuya Nino
At tsaka binalibag pinahiga ako na parang manikin
Yung kuya ko walang muwang lang sakin na nakatingin
Parang gusto niyan tanungin bakit ako umiiyak
Habang demonyo sa ibabaw ko tuloy sa pagbiyak
Sa maselang parteng bahagi ng aking katawan
"Tama na po" ang tanging salitang pinapakawalan
Ng aking bibig mahigpit na sakal sa aking leeg
Hayok na hayok ang hayop at walang nadidinig
Pagkatapos niya makaraos
Inabandonan na parang bagong hubad na sapatos
Iniwang wala sa ayos kailan ba to matatapos
Ang tanong sa'king sarili habang luhay umaagos sa mata
Buksan ang iyong mata
Buka ang iyong bibig
Sabihin ang gustong sabihin
Tibayan ang didib
Kung hindi ka makapagpasya
Dahil sa mga mapanghusga
Tumingin sa salamin
Saka mo tanungin kung nasaan ang hustisya
Walang gabi na hindi ako niyayakap
Ng demonyong sinapian ang espiritu ng alak
Kaya nang makita kung siya'y tulog na tulog sa amat
Alas dos ng madaling araw pagtakas ay binalak
Dahan-dahan na gumagapang palabas ng pintuan
kumaripas ng takbong parang takas sa bilangguan
Ng mga sandaling 'to'y kailangan samantalahin
Makabalik sana sa bahay bago pa siya magising
Kahit na ubod ng dilim ay nakayapak kong tinahak
Pinakamalapit na bahay ng aming kamag anak
Katok ako ng katok paos na rin sa kakatawag
Wala kong napalang tulong malapit na magliwanag
Hindi pwede 'to kaya dali-dali na bumalik
Binilisan ko na kahit mga paa ko'y masakit
Kinakabahan habang palapit na ng palapit
Pagdating ko bumungad siyang nakangiti't walang damit
Agad akong pumanhik sa silid ng mga kapatid
Na madinig ko na sige ang iyak ni Elizabeth
Nadatnan ko na duguan na ang kanyang pangibaba
Wala ka talagang patawad na 'PUTANG INA KA'
Kaya mabilis ko na kinuha ang pinakamatalas na patalim
Na nakatago sa punda ng unan ko hinabol ko siya para patayin
Tumakbo sa lababo sa lagayan ng plato para kunin ang tinabi nyang baril
naabutan ko at tinapik ko ang braso
Tumapon ang mga hawak naming pareho kami tumumba sa sahig
Malakas sya lagay ko tagilid
Pumaibabaw mga kamao niyang hinataw habang hininga ko ay aking inaagaw
Bumabaha na ng dugo
Handa na ako mawala sa mundo isa suntok nalang basang na ang bungo
Nang makadinig ako ng isang putok
Ang matagal kong hinahanap at hinihintay
Ang hustisya ay natagpuan ko sa mga kamay ng kuya nino