Sige na huwag nang magalit sa mahal mo
Heto ako nangungulit sayo
Di ka naman mabiro nilalambing ka lang ng irog mo
Sige na mukha mo ay ayusin mo na
Heto na nga't sinusunod kita
Bukod sa pagsayaw kahit kaliwang mga paa
Nakakangawit maglaba
Laging limot kung may wings o wala
Buksan mo na'ng kahon at palayain na'ng mahinahon
Ang mga sulat na tinago at binaon
Hindi sa limot kun'di para mapagtanto mo
Na lahat ng nakasulat ay tutuparin ko
Sige na mali na kung mali ako
Eksaheradong magustuhan mo
Masyado nang madrama teka lang
Para bang mayroong mali
Dapat tayo'y ngumiti
Pagsaluhan ang saya't pighati
Gaya ng sumpaang magmamahalan
Saksi bawat mata tenga'y sa altar nakatingin
Habang nagpapalitan ng singsing
At sinasambit nakapikit magkadikit nang mag-isang dibdib
Buksan mo na'ng kahon at palayain na'ng mahinahon
Ang mga sulat na tinago at binaon
Hindi sa limot kun'di para mapagtanto mo
Na lahat ng nakasulat
Na lahat ng nakasulat
Na lahat ng nakasulat
Na lahat ng nakasulat
Ay tutuparin ko