Nilunok kong lahat
at hindi na nagtira
Ng hiya sa dibdib
ng ibigin kita
Kahit na batid ko
na mayroon kang iba
Pag ibig ko'y ikaw
parin sinta
Kay pait, kay pait
ng aking nadama
Nang aking lunukin
ang hiya ko sinta
Ang pag tawa't paglibak
ay wala nang halaga
Pagkat sadyang mahal parin kita
Nilunok kong lahat
ang mga sinabi ko
Na ako'y hindi iibig
sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat
ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo
Malagkit mong tingin
ay nabihag ako
Kay haba haba ng panahong dulot mo
Ang ugat ng lahat ay pag ibig kong ito
Kahit nung una'y ayaw ko sayo
Nilunok kong lahat
ang mga sinabi ko
na akoy hindi iibig
Sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat
ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo
Nilunok kong lahat
ang mga sinabi ko
na ako'y hindi iibig sa isang katulad mo
Nilunok kong lahat
ang mga sinabi ko
Ngayon ako'y umibig sa iyo
Ngayong ako'y umibig sa iyo