Talaga naman na masaya na’ko
Magmula nang makalaya na’ko sa’yo
Di ko na kinakailangan ang katulad mo
Ang tulad mo
Paalam na, ‘tigil na natin ‘to.
Nagkakamali ka kung inaakala mong hindi
Ko makakayanang mawala ka sa ‘kin
Kung pwede ko lang ibalik ang mga
Kaganapan di na ko makakapayag
Na ang puso ko’y wasakin
Pero di na bale para sa ‘kin,
Para sa ‘kin di na para para
Balikan sapagkat ang tulang babae
Sa ‘king puso at isipan napakadali
Naman na palitan (boss loco!)
Ang pangalan ng lalaking di mo man
Lang nabigyan ng pagpapahalaga
Kahit masakit tila napakapait simula ng
Ipadama mo sa ‘kin na walang mapapala
A la la la la lahanin mo na di
Ako kundi ikaw ang tanging lumayo
At tanging ikaw din ang bumitaw
Sa mga sinabi mo sa’kin
Panghawakan ko na lamang mga
Pangakong tayo lamang dalawa
Di ko inasahang hahantong sa ganito
Di ba napakapanatag at napakapatag
Matagal na nagpakatatag
Ano bang bumabagabag sa isipan mo
Naisipan mo na pag ibig mo
Napakadali namang ibaling
Sa iba lewala naman sa ‘kin
Nagsasawa na akong mapahiya makinig ka
Wala ng tamang nangyari sa’tin,
Pagod na rin akong ika’y aking unawain
Siguro nga tama na ang aking pasya
Na limutin ang kahapon, naiwang mag isa
Dahil di mo naman sinabi sa’kin
Wala na palang pag ibig mo sa akin
Kaya pinilit kong limutin ang lahat
Kasi alam kong di mo kaya
Sana’y iyo lang lahat upang
Ang sakit ay pwede kong madama
Ganon ba talaga? parang walang halaga?
Kaya pala naiwan akong mag isa
Laging balisa, sino ba ang laging tama
At sagad sa kamalian
Kaya nagdulot ng sakit sa dibdib
Sumatutal sa labis ko na katangahan
Naging malamang ka
Kaya di mo naisip na
Masasaktan ako sayo ng sagad,
Kung alam ko lang lahat
Ng ‘to ay isang laro,
Sana umpisa pa lang tinapos o agad
Mapalad ka at meron kang
Ako na labis sayo’y
Nagmamaldang umunawa, sa lahat
Ng bagay ako ang makiki pake
Mali ka ma’y pipilitin
Kong ikaw ay itama
Ngunit tila dahan dahan nagsasawa na
Ang puso ko sa madalas
Nating di pagkaunawaan
Kung sakali na isuko na kita
Marahil alam mong pagod na
Akong muli pagkatiwalaan
Ang tulad mo sa buhay ko
Alam mo naman ika’y malaking parte
Kasangga, kaagapay, tagapayo,
Tanga tanga, taga kunsinti
Bakit ba kasi kailangan nating
Matutunang magmahal kung
Masasaktan din naman tayo
Ang mga tenga nakakandado na
Sa mga kaibigan nais lang
Naman na magbigay ng payo
Napakalabo maitago ang mga bagay
Na kailanman ay di ko sinukuan
Kung nagkamali ako, piliin ka’y
Iyon ang pinakamalaki
Kong nagawang kasalanan
Wala ng tamang nangyari sa’tin,
Pagod na rin akong ika’y aking unawain
Siguro nga tama na ang aking pasya
Na limutin ang kahapon, naiwang mag isa
Dahil di mo naman sinabi sa’kin
Wala na palang pag ibig mo sa akin
Kaya pinilit kong limutin ang lahat
Kasi alam kong di mo kaya
Hindi ko na kayang itago
Ang aking nararamdaman
Masakit para sa’king maiwang mag isa
Di naman ako nagkulang sa pagpapahalaga
Naaalala ko nang unang beses,
Pinaasa mo lang ako ng labis
At nais ko sanang iyong malaman
Na ikaw ang syang tunay
Sa ‘tin na nawala
May tanong at pag iintindi
At pag uunawa ko
Sawa na ‘ko, pagod na
‘ko, maraming salamat
Sa loob ng ilang taon na ako mag isa
Sa relasyon natin ang bumubuhay
Ni minsan di ko naramdaman
Ang halaga ko sayo
Sa luha ko wala kang pake,
Naging una ka sa prayoridad ko
Ngunit ang lahat ay iyong sinantabi
Oo kasi, di ka manlalamig sa akin
Kung walang nagpapainit sa iyong gabi
Laging hindi dahilan ng madalas sa labas
Nagmamadali sa paglalandi
Di bale na magtalo tayo
Sa kadahilanan nang simpleng pabor
Na hindi mo kayang masunod
Opinyon natin sa bawat isa
Argumento natin ng magkabukod
Wala ng tamang nangyari sa’tin,
Pagod na rin akong ika’y aking unawain
Siguro nga tama na ang aking pasya
Na limutin ang kahapon, naiwang mag isa
Dahil di mo naman sinabi sa’kin
Wala na palang pag ibig mo sa akin
Kaya pinilit kong limutin ang lahat
Kasi alam kong di mo kaya
Inakala kong walang hangganan ngunit
Hindi pala mali pala ang aking natamo
Sana ay hindi mo na lang pinadama
Sa ‘kin sumaya kung iiwanan
Mo lang din naman ako
Alam mo bang hindi madali
Sa’kin maiwanan mag isa
Lalo na sa panahon na
Kinakailangan pa kita
Wala na ba kong halaga
Para putulin ng bigla?
Hindi na ba mababalik
Kng sa tayo nagsimula?
Pano ko ba haharapin mag isa
Kung ang kinakatakot
Ko’y bigla ng dumating
Nang hindi ko inasahan
Na mawawala ng biglaan
Ka sa aking paningin
Oo, madaling sabihin kaya ko pa
Pero ang aking kalooban nasasaktan na
Kapag naalala ko ang
Mga panahong kasama ka
Hindi maisantabi na muna ang aking saya
Asan ang mga pangako natin?
Bakit nag ibang dako?
Kung alam ko lang na ganito kalabo
E di sana naghanda na ko
At ng di ko na naantala ang
Dahilan mo para magbago
At ng di ko na nabanaag ang
Paraan mo para biglang mag laho
Siguro nga tama na ang desisyon
Mo kung wala na talaga
Anong magagawa kundi bitawan
Ang lahat at palayain ka
Kahit na labag sa kalooban ko
Basta’t makita lang kitang masaya
Habang hawak hawak ang
Pangako mo ng nag iisa
Wala ng tamang nangyari sa’tin,
Pagod na rin akong ika’y aking unawain
Siguro nga tama na ang aking pasya
Na limutin ang kahapon, naiwang mag isa
Dahil di mo naman sinabi sa’kin
Wala na palang pag ibig mo sa akin
Kaya pinilit kong limutin ang lahat
Kasi alam kong di mo kayadf