menu-iconlogo
huatong
huatong
avatar

Lumuhod Man Ako

Zaitohuatong
badboxershuatong
Lời Bài Hát
Bản Ghi
MUSIC OF LOVE PRESENT

Pinag sisisihan lahat ng aking kasalanan

Kung di mararanasan di pa mauunawaan

Ngayong natagpuan ko

ang sagot sa katanungan

Mula nang bata pa laman

na ng aking isipan

Ang bawat payo sa tuwing

akoy pagsasabihan

Hindi pinapansin kahit alam na kabutihan

Nagsakripisyo ginawa lahat ng paraan

Upang mabigyan lang ng

magandang kinabukasan

Halos gumapang sa hirap na nararanasan

Hirap na kahit minsan

di man lang nasuklian

Siyam na buwan mong

iningatan sayong sinapupunan

Nang mailuwal kahit lamok di marapuan

Sagana sa lahat damit, magandang laruan

Ngunit ng lumaki kung

sumagot harap harapan

At sumapit na nga ang

puntong pagbibinata

Na tila hudyat sa pag gawa ng masama

Nag umpisa ang lahat ng

sinubukang magka syota

Si nanay kung utusan dinaig pa ang alila

Ganyan pag uugali sino bang matutuwa

Ang sarap ng buhay mo

ang nanay mo nakaka awa

Chorus:

Itim ang budhi ng taong di alam gumalang

Magawa ang gusto itataboy pati magulang

Mapapatawad pa ba? Ang

sangkaterbang pagkukulang?

At kasalanan na halos di na rin mabilang

Itim ang budhi ng taong di alam gumalang

Magawa ang gusto itataboy pati magulang

Mapapatawad pa ba? Ang

sangkaterbang pagkukulang?

At kasalanan na halos di na rin mabilang

Magagawang tiisin na maguton si nanay

Masunod mo lang ang

nobya na lahat ibibigay

Pangyayaring kinagulat

mo nang siyay humiwalay

Mundo moy parang sasabog

halos magpakamatay

Naisipang tikman ang shabu at mariwana

Tuwang tuwa naman mga

demonyo mong barkada

Si inay di makatulog magdamag nag alala

Uuwi ka ng umaga hihingi ka lang ng pera

Pag di ka nabigyan sa

galit halos magwala ka

At sasabihin pa sayong

ina na walang kwenta

Ang matindi pa tol

talagang walang konsensya

Halos harap harapan kung murahin ang ina

Nang ikaw ay lumayo ang

iyong ina ay yumuko

Yakap ang larawan mot luha ay tumutulo

Ngunit may bagay na

lingid sayong kaisipan

Ang yong ina pala may

tinatagong karamdaman

Nang minsan pag uwi si

nanay nasa higaan nangyari

Ang bagay di mo lubos inaasahan

Mata ni nanay pumikit ng dahan dahan

Sabay hagulhol at ipinatong sa kandungan

Chorus:

Lumuhod man ako at maghapong umiyak

Di na maibabalik pa ang

kahapon kong winasak

Kay hirap pala ang maulila kay inay

Magdusa man ako hindi

sapat ang aking buhay

Lumuhod man ako at maghapong umiyak

Di na maibabalik pa ang

kahapon kong winasak

Kay hirap pala ang maulila kay inay

Magdusa man ako hindi

sapat ang aking buhay

Tuwing akoy nag iisa

lagi ko siyang naalala

Takbo ng buhay tila

nawalan na ng pag asa

Parang di ko kaya ang mabuhay mag isa

Hinahanap hanap ko pa rin kalinga ng ina

Pero ngayong ikay wala

na pano na ako inay

Sa bawat suliranin sino ang makakaramay

Saking buhay sino pa ang gagabay

At kailan muling madarama

ang yakap mo inay

Sa bawat oras si nanay

ang laman ng aking isip

Pag sapit ng gabi siya

ang laman ng panaginip

Patawarin ako inay sa aking pagkukulang

Ang aking kasalanan pano ba pagdurusahan

Ang bigat sa dibdib pano ba mababawasan

Hindi na kaya ng nahihirapang kalooban

Lagi nalang akong

binabalot ng kalungkutan

I Love You nanay hindi kita malilimutan

Chorus:

Lumuhod man ako at maghapong umiyak

Di na maibabalik pa ang

kahapon kong winasak

Kay hirap pala ang maulila kay inay

Magdusa man ako hindi

sapat ang aking buhay

Lumuhod man ako at maghapong umiyak

Di na maibabalik pa ang

kahapon kong winasak

Kay hirap pala ang maulila kay inay

Magdusa man ako hindi

sapat ang aking buhay...

ENJOY SINGING MUSIC OF LOVE

Nhiều Hơn Từ Zaito

Xem tất cảlogo

Bạn Có Thể Thích