Uh, uh
Anong oras na?
Kamay ng orasan
Mas mabilis pa sa paang nagtatakbuhan
Walang hanggan ang langit
Lapit pa nang lapit ang nagbabatuhan
Kometang ′di maubos
Ang dami nakatingin habang nakahiga sa dayami
Laging binubulong ko ang mga sinasabi
Sa hangin kasi baka marinig mo't mangyari
Malay mo naman
Sa isang iglap magbago
Ang hirap maging tao
Bago makalipad
Kailangan pa ng eroplano
At damong matapang, lango sa alak
Batong-bato sa mga pinaggagawa ng panahon sa araw-araw
Angat baba na parang watawat
Ang buhay kamatayan lang makakaawat
Pag-ibig pambalanse sa mundong magara
Hindi ka titigilan mainis mapikon
Wala kang magagawa kundi tumawa at umiyak
′Pag 'di mo na kaya
Walang mawawala, basta walang titigil sa tinatahak
Kaya lakad pasalang
Sa eksenang 'di balanse
Pero laban lang sa mga pagsubok na dadaan
Dahan-dahan lang
Dahan lang
Dahan-dahan lang, kaya
Kamay ng orasan
Mas mabilis pa sa paang nagtatakbuhan
Walang hanggan ang langit
Lapit pa nang lapit ang nagbabatuhan
Kometang ′di maubos, ang dami
Mabilis lang lumipas ang panahon
Parang kailan lang nand′yan ka
Paglingon nasa loob ng ataul
Mga inipong alaala
Mabilis lang lumipas ang panahon
Parang kailan lang nand'yan ka
Paglingon nasa loob ng ataul
Mga inipong alaala
Kamay ng orasan
Mas mabilis pa sa paang nagtatakbuhan
Walang hanggan ang langit
Lapit pa nang lapit ang nagbabatuhan
Kometang ′di maubos
Ang dami nakatingin habang nakahiga sa dayami
Laging binubulong ko ang mga sinasabi
Sa hangin kasi baka marinig mo't mangyari
Malay mo naman
Sa isang iglap magbago
Ang hirap maging tao
Bago makalipad
Kailangan pa ng eroplano