menu-iconlogo
huatong
huatong
歌词
作品
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

Ano ba ang dapat kung gawin

Dapat bang kamuhian

O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang

Parinig naman ng rap mo sample naman d'yan

Ang ganda naman ng cap mo arbor na lang 'yan

Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago

Bakit wala kang battle

Takot ka bang matalo ha

Paulit ulit ang tanong ng mga tao

Huwag sanang apurado ano'ng magagawa ko

Wala akong maisip masyado pang mainit

Akala mo tuloy mukhang suplado 'pag tahimik

Pagod lang talaga galing gig Tuguegarao

Walong oras sa van tatlong oras sa kalabaw

Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman

Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula

Laging puyat nagkalat ang papel na nilamukos

Ang dami ng kapeng ipinautos

Tinta ng aking ballpen malapit nang maubos

Isang patak na lang pero aking ibubuhos

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

Ano ba ang dapat na gawin

Dapat bang kamuhian

O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na

Kasi sapul sa pagkabata sablay no'ng tumanda

Lumakad humakbang hanggang sa madapa

Huwag kang mawawalan ng pag asa huwag kang madadala

Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa

Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad

Ang buhay ay utang hulugan ang bayad

Kaya huwag kang matakot magkamali

Pero alalay lang huwag kang masyadong magmadali

'Yan ang sabi sa akin ng aking itay

Na pinapaalala palagi sa 'kin ni inay

Na kadalasan ay hindi nasusunod

Ayoko nang sumali gusto kong manood

Minsan wala nang gana ayoko nang mag rap

Kasi akala ko dati alam ko na lahat

'Yon pala kulang pa ang kaalaman kong labis

Ngayon alam ko na kung ba't may pambura ang lapis

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

Ano ba ang dapat na gawin

Dapat bang kamuhian

O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na

Pero 'di ba tao ka lang din 'di mo ba napansin

Kahit anong taas mo na titingala ka pa rin

Kahit planuhin mong mabuti bakit gano'n pa rin

'Di maiwasan na magkamali kahit ano'ng gawin

Kadalasan nangyayari ay ang kabaliktaran

Marami kang detalye na makakaligtaan

Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang ga'nong alam

Ano'ng magagawa mo tao ka lang

Napapagod natatakot naiinip

Natatawa nagtataka naiinggit

Nangangawit nagagalit nabibigla

Nalulungkot nauutot nahihiya

Natutukso nakukonsensya nauubusan din ng pasensya

Nasasaktan nagmumura

Pero nagmamahal pa rin kahit natuto na

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

Ano ba ang dapat na gawin

Dapat bang kamuhian

O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

Ano ba ang dapat na gawin

Dapat bang kamuhian ano ba

O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang

Pasensya na tao lang

Pasensya na tao lang

Kagaya mo tao lang

Kagaya mo tao lang

Pasensya na

Wala tayong pagkakaiba

Pasensya na sorry naman

Kung pwede lang sanang isoli na lang

Pasensya na

Pasensya na

更多Agsunta/Mika Salamanca热歌

查看全部logo

猜你喜欢