Maghihintay ako sa 'yo
Na magbalik sa piling ko
Pagka't iniibig kita hirang
Ang araw man ay lumamig
At bituin may magdilim
Ako ay maghihintay din giliw
May sugat pang damdamin mo
Nguni't giliw ko
Ako'y nagsikap nang magbago
Ng dahil sa iyo
Maghihintay ako sa 'yo
Ng habang buhay
Sana ay pakinggan mo
Ang tinig ko
Hanggang kailan magdurusa
Ang puso kong nagmamahal
Aanhin ko ang ibang pagsuyo
Ang hanap ko ay ikaw
Maghihintay ako sa 'yo
Ng habang buhay ohhhh
Pagmasdan mo ang luha
Ng pusong nagdurusa
Habang buhay
Maghihintay