Ko’y tulog sa kadiliman, walang kakayahang lumisan
Gabi ay laging gabi sa magkabilang dulo ng mundo
Ika’y buong kaliwanagan, walang kakayahang lumisan
Umaga’y laging umaga sa magkabilang dulo ng mundo
Ika’y kabuoan at tinatanging kailangan ko
Tanggalin man ako sa mga salitang ito
Ika’y kabuoan at tinatanging kailangan
Tanggalin man ang sa tinging kailangan (ko)
Ika’y kabuoan at tinatangi
Tanggalin man mga tinatangi sa mundo
Ika’y kabuoan
Tanggalin man lahat, ika’y buo
Ikaw
‘pag ika’y idagdag sa wala, katumbas nito ay lahat
‘pag ika’y ibawas sa lahat, katumbas nito ay wala
‘pag tinanggal ka sa ekwasyon walang kabuluhan ang mga salitang ito
Ngunit tanggalin man ang lahat
Ikaw ang buong eksplanasyon
Dahil higit ka sa anumang salita
Higit ka sa anumang ekspresyong magagawa
Sa kagandahan ng kanta, ng tula, ng magagawang likha
Ikaw ay nakikita
Ika’y kabuoan at tinatanging kailangan ko
Ika’y kabuoan at tinatanging kailangan
Ika’y kabuoan at tinatangi
Ika’y kabuoan
Ikaw ay ikaw